Linawin na muna
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2018 - 12:00am

NOONG Linggo, inanunsyo ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na suspendido na ang dalawang pisong excise tax sa mga produktong petrolyo na ipatutupad sana sa Enero sa ilalim ng TRAIN 2. Pero hindi ito ang buwis na ipinasususpindi ng marami, kundi ang pagpapatupad lang ng batas na nagsasaad na kapag umabot sa $80 bawat bariles ang presyo ng langis ng tatlong buwan, suspendido ang anumang karagdagang buwis sa produktong petrolyo. Hindi pa rin suspendido ang pitong pisong excise tax na idinagdag ng TRAIN 1, at wala pang linaw kung babawiin nga ito ng gobyerno. Sa madaling salita, wala pa talagang magandang balita.

Pero maraming eksperto ang nagsasabing hindi lang sa presyo ng langis sa mundo nakasalalay ang inflation ng bansa, kundi sa pagkain, partikular sa bigas. Noong hu-ling miting ng gabinete ni President Duterte, sinabi umano ni Harry Roque, na napalitan na rin ni Presidential Chief  Legal Counsel Salvador Panelo bilang tagapagsalita ng Palasyo, na tinanggal na raw ni Duterte ang mga balakid sa pag-angkat ng bigas. Pati nga raw ang NFA ay wala nang kontrol sa pag-angkat. Pero agad namang nilinaw ni Agriculture Sec. Piñol na hindi ibig sabihin ay kung sinu-sino na lang ang puwedeng magpasok ng bigas sa bansa kundi ibig sabihin daw ni Duterte ay siguradu-hing maraming suplay ang bansa para sa lahat. Siguro linawin na muna nila ang kanilang mga gustong ipaalam sa bansa, dahil marami na ang naghihirap sa simpleng pagbili ng bigas sa araw-araw.

Panahon pa naman ng paghain ng kandidatura at pangangampanya ngayon kaya baka ito na muna ang inaasikaso ng ilang opisyal ng gobyerno na bumitiw na at nagpasyang tumakbo. Kung sinasamahan ni Duterte ang kanyang tauhan para lang maghain ng kandidatura eh wala sigurong mahalagang dapat tutukan ang admi-nistrasyon sa ngayon. Mala-barangay nga ang kasama ni Bong Go kahit may patakaran ang Comelec na apat lang ang puwedeng kasama. Hindi na raw mauulit, sabi ng Comelec. 

CARLOS DOMINGUEZ III RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with