^

PSN Opinyon

Kailan ire-rescue ang mga batang nagra-rugby?

DEAR EDITOR - Pilipino Star Ngayon

Nabasa ko ang inyong PSN editorial noong Oktubre 1, 2018 na tinatalakay ang pagdami ng mga batang nagra-rugby sa maraming lugar sa Metro Manila. Totoo po ang inyong sinabi na maraming batang palaboy na kapansin-pansin ang mga dalang plastic na supot na may rugby at kanilang sinisinghot.

Tuwing nagdaraan ako sa Recto Avenue patungo sa Doroteo Jose Station para sumakay ng LRT, nakikita ko lagi ang mga batang palaboy na tila wala nang direksiyon ang mga buhay. Lubhang naaawa ako sa mga batang ito na tila pinagkaitan na ng pagkakataon para mamuhay nang maayos.

Lihim akong nakadarama ng galit sa mga magulang ng mga bata sapagkat sila ang dapat sisihin kung bakit nagkaganito ang mga nilalang na ito. Hindi nila ginusto na isilang kaya walang dapat sisihin at parusahan kundi ang mga iresponsableng magulang.

Kapag nakikita ko ang mga batang rugby, naaalala ko ang aking mga anak, dalawa sila at ipinagmamalaki kong nasa maayos na kalagayan dahil sa pagpapalaki namin ng aking asawa.

Gusto ko mang tulungan ang mga batang rugby ay hindi ko magawa dahil ano ba ang maitutulong ko na ka­ra­niwang mamamayan din lang. Ang dapat kumilos ay ang DSWD sapagkat sila ang may tungkulin. Kailangan nilang kupkupin ang mga batang ito para hindi na mapariwa pang lalo ang buhay.

Umaasa ako na mababasa ng DSWD ang sulat na ito. Sana po may magawa sila sa mga batang palaboy. Salamat po. -- MARIA CRISTINA ALACASAN, Marikina City

vuukle comment

CHILDREN DOING RUGBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with