^

PSN Opinyon

Bagong ‘memo’ sa NAIA pahirap sa lahat

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

LAST October 4, naisingit daw sa office ni MIAA general ma­nager Ed Monreal ang umano’y isang “kagaguhan” memorandum para sa lahat ng mga empleado ng MIAA, personnel of concessionaires at stakeholders para sa compliance ng Security audit ng external auditors para sa isang background investigation at alamin ang records ng lahat ng mga sinasabing nasa itaas para mabigyan lamang sa 2019 MIAA - RFID.

Kaya naman marami ang umangal nang mabasa nila at nag-ingay ang ilan dahil sa tindi ng isusumiteng requirements.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaila­ngan ng lahat ng mga ikinukuento nating empleado sa itaas  na magsumite at mag-fill up ng personnel security investigation form, NBI clearance, birth certificate galing sa PSA, RTC clearance, Municipal Trial Court clearance, prosecutor’s office clearance, police clearance, barangay clearance at drug test result.

Pumalag ang karamihan lalo na ang mga maliliit ang sahod sa MIAA dahil ang mga requirements ay hindi biro ang halaga kapag binayaran ang mga ito.

May deadline pa up to Oct. 31, 2018 at isumite sa Risk Ma­nagement Office Security Office.

Sabi ng mga reklamador, ID lamang ang kanilang kailangan at hindi lisensiya ng baril at permit to carry. Hehehe!

Dahil sa naging negatibong reaksyon iniatras ang memo porke ang mga in-house media ay nagsisi-angal din sa requirements.

“Sino kayang kamote ang nagsubo ng memorandum kay Monreal na pinirmahan naman nito last October 11?” sabi ng kuwagong manggogoyo.

Yesterday, ay alaws na ang memo dahil kailangan munang rebisahin ang mga ito.

Abangan.

Kampanya kontra droga sa CAAP et al

‘NEGATIVE,’ sa basura sa katawan o illegal drugs ang 2,635 employees ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na nakatirik sa 21 airport sa Philippines my Philippines nang magsagawa sila ng random drug test.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang biglaang drug test ay bahagi ng kampana este mali kampanya ng DOTr at CAAP,  alinsunod sa giyera kontra droga campaign at kautusan na rin ni Boss Digong na gawing ‘drug free’ ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan mula Aparri hanggang Mindanao. 

Ibinida ni Eric Apolonio, spokesperson ng CAAP, pinangasiwaan ng Office of the Flight Surgeon and Aviation Medicine ang drug testing last February up to September at ang mga negatibo sa basura ng droga ay kabilang sa 6,058 employees ng ahensiya sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, very good!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang random drug tests ay ginagawa sa loob ng isang  taon alinsunod sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Civil Service Commission (memorandum circular 13).  

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malibag este mali maliban pala sa mga empleado ng CAAP sumailalim din sa random drug test ang ilang on-duty aircrew members ng PAL, Cebu Pacific, Air Asia at PAL express.

‘Ano ngayon may positibo ba?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sagot - wait and see!

Abangan.

vuukle comment

ED MONREAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with