^

PSN Opinyon

Ano’ng maaring pangontra sa pambu-bully ng China (2)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MALINAW na hindi kaibigan ang trato ng China sa Pili­pinas. Inaabuso nito ang relasyon ng dalawang bansa. Kaya nga 150-200 beses na raw prinotesta ni Foreign Sec. Alan Cayetano ang pambubusabos ng bully.

Nu’ng Hulyo 2016 nanalo ang Pilipinas sa United Nations Permanent Court of Arbitration. Lima ang mahaha­lagang pasya: (1) Ilegal ang nine-dash line ng China na umaangkin sa buong South China Sea. (2) Nilabag ng China ang karapatan ng mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough Shoal, na nasa loob ng 200-milyang exclusive economic zone ng Pilipinas. (3) Pinalala ng China ang sitwasyon nang ikunkreto nito ang pitong bahura bilang island-fortresses sa loob ng EEZ ng Pilipinas. (4) Winasak ng China ang kapaligiran dahil sa reklamasyon ng mga bahura. (5) Paglabag ang pagpapalayas ng China sa oil explorations ng Pilipinas sa Recto Bank sa gilid ng Palawan.

Ani Duterte gigiyerahin tayo ng China kapag iginiit natin ang mga pasya. Kaya tameme na lang.

Payo ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, tatlo ang mapayapang maari nating gawin. Una, makipagkasundo sa mga kaibigang Malaysia at Vietnam ng mga magkapatong na EEZ ng tatlo sa SCS. Hindi kaila­ngang isali ang China sa usapan dahil wala naman itong nakapatong na EEZ sa tatlo, batay sa pasyang UN. Ikalawa, idulog sa UN General Assembly ang patuloy na pambubusabos ng China sa teritoryo at karapatan ng Pilipinas sa kabila ng pasya ng UN. Pabor sa maraming bansang may karagatan ang pasya na ‘yon, kaya kakatigan nila tayo. Ikatlo, magsampa muli tayo ng UN arbitration para pagbayarin ang China sa winasak na mga bahura natin. May naunang pasya na winasak nga ito ng China, kaya kabayaran naman dapat ang kasunod.

Idagdag ang isa pang kilos. Makiisa tayo sa mga bansang nagpapatrulya ng SCS -- America, France, Britain -- para sa freedom of navigation. Kakampi rin ang Australia, Japan, Korea, at Singapore.

vuukle comment

CHINA BULLYING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with