^

PSN Opinyon

2 masuwerte

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY tumama na rin nang pinakamalaking jackpot sa kasaysayan ng PCSO. Dalawa ang tumama sa higit P1 bilyong premyo, kaya paghahatian nilang dalawa. Isang taga-Albay at isang taga-Eastern Samar. Malalaman kasi ng PCSO kung saan tumaya ang mga nanalong ticket. Tig-higit P500 milyon ang kanilang premyo. Napa­ka­ganda naman ng kanilang Pasko. Sana nga na tunay na nanga­ngailangan ang nanalo, at hindi pulitiko na gaga­mitin sa kampanya itong halalan.

Sana ay hindi rin lustayin sa kung saan-saan. At pinaka­importante, huwag magtiwala sa mga sistema na “magpapayaman nang mabilis”. Wala talagang ganun. Ilagay ang pera sa mga ligtas na pamumuhunan, tulad ng banko, o sa lupa. Siguraduhin lang na maayos lahat ng papeles. 

Pero siguradong bibili ng bagong sasakyan ang nanalo. At dahil may pera na nga sila, mas maipapakita na may mapaparadahan ang sasakyan. Pinag-aaralan na kasi ng Senate trade, commerce and entrepreneurship committee sa pamamagitan ng technical working group ang panukalang Proof-of-Parking Space Act under Senate Bill No. 201 ni Sen. Sherwin Gatchalian.

Sa madaling salita, kung papasa ang panukala, kaila­ngang ipakita na may mapaparadahan ang bibilhing sasakyan sa pamamagitan ng dokumento, tulad deed of sale ng bahay, o kontrata na may inuupahang paradahan. Ito ay para turuang maging responsable ang Pilipino. Wala naman sigurong problema ang mga may tahanan kung saan may paglalagyan ang mga sasakyan. Ang mga pumaparada sa kalsada ang maaaring umalma sa bagong panukala. Totoo nga naman na kung dadaan sa mga maliliit na kal­sada, magkabilang puno ng sasakyan ang mga ito. Ito ang nais iwasan. Pero sa panukalang ito, sigurado ang tatamaan na naman ay mga hindi makapagpapakita na may paglalagyan ang mga sasakyan.

Marami talagang namimili ng sasakyan kahit walang ma­­paradahan. Ang sasakyan kasi ang puwedeng ipagmayabang kaagad, sabihin na natin, kaya ito ang binibili. Baka panahon na nga para ipakita na muna na may mapapaglagyan ng sasakyan bago bumili. Diskriminasyon?

vuukle comment

ULTRA LOTTO WINNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with