^

PSN Opinyon

Laganap ang party drugs at marijuana

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NADAGDAGAN ang problema ng PNP dahil sa paglaganap ng party drugs at marijuana kush. Sunud-sunod ang pagkahuli ng Manila Police District-Station 5 sa mga kaba­taan at estudyante na nagbebenta nito. Umabot hanggang Pasig City ang pagfollow-up ng mga tauhan ni MPD Director CSupt. Rolando Anduyan matapos magsagawa ng buy bust operation sa mga pinaghinalaang tulak ng mga pinatuyong marijuana. Kamakailan lang, may maglive-in partner na hinuli sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City. Milyung kush ang nasamsam sa naturang pagsalakay. Makalipas ang ilang gabi, nahuli rin ang isang American sa Pilar Village, Las Piñas City dahil sa droga.

Laganap ngayon ang party drugs at marijuana kush na dapat tutukan ng PDEA, NBI at PNP. Kung babatayan ang pinakitang gilas ng MPD sa paghuli sa walong estudyante na Nagbebenta ng kush at ecstacy, sigurado ako na ang kanilang parukyano ay mga estudyante rin sa mga ekslusibong paaralan. Ngunit kahit na ano pang galing ng mga pulis kung ang mga magulang mismo ng mga kabataan ang nagpapabaya sa kanilang mga anak, tiyak na malulusaw ang kanilang mga pangarap na makapagtapos ang mga ito. Dapat alamin ng mga magulang ang kilos ng kanilang mga anak upang hindi mapariwara ang mga ito.

* * *

Nag-file ng candidacy kahapon si “Mr. Tulong Guy” ng 1 Pacman Partylist upang isulong ang hangarin na makapag­lingkod sa sambayanan. “Ito pong darating na 2019 elek­syon, nandito na naman po kami ni Congressman Eric Pineda at ngayon ay dagdag pa ang panganay at pinaka­guwapong anak ni Sen. Ramon Revilla Sr. na si Marlon Bautista bilang ating 3rd nominee at future congressman. Ang tiwala po na pinagkaloob n’yo sa amin noong 2016 at sinuklian natin ng libu-libong tulong sa mga kababayang Pilipino na kapuspalad. Wala po tayong iibahin sa susunod na muling makaupo sa 2019. Sa 17th Congress po ay na-testing n’yo ang tambalan namin ni Congressman Pineda. Nasuklian po namin ang tiwala ninyo sa pamamagitan ng libu-libong tinulungan ng 1-Pacman. Sa pamamagitan ng libreng edukasyon, hospitalisasyon, pagkain at pagbibigay ng libong trabaho. Halos 30,000 kababayan natin ang nakinabang ang nabigyan ng tulong. Sa katunayan, ang 1 Pacman Partylist po ang isa sa pinakamaraming natulungang mahihirap sa Luzon, Visayas at Mindanao. Tulong sa edukasyon, hospital at gamot at makakain. Tulong na walang sawa nating ibibigay. Sa sports naman po, tulong na masagana ang ating naipagkaloob tulad ng pagpapatayo ng multi-purpose halls, basketball and volleyball courts sa mga barangay ng buong bansa. Upang maayos na makapaglaro ang ating kabataan, ang ating minamahal na mga anak at maiiwas sa masamang bisyo tulad ng droga.”

Mga suki, kayo na ang humusga sa kanila.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with