^

PSN Opinyon

EDITORYAL - BuCor: Kayanin kaya ni Faeldon?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - BuCor: Kayanin  kaya ni Faeldon?

DALAWANG taon lang ang inilagi ni retired Marine captain Nicanor Faeldon sa Bureau of Customs (BOC). Napilitan siyang magbitiw sa Customs makaraang masangkot sa nakalusot na P6.4 bilyong halaga ng shabu na magpahanggang ngayon ay isang “misteryo”. Pero itinalaga siyang muli ni Pres. Rodrigo Duterte bilang de­puty administrator for operations of the Office of the Civil Defense. Nagpapakita lamang ito na talagang pinagkakatiwalaan ng Presidente si Faeldon. Kahit pa nasangkot sa shipment ng shabu, naroon pa rin ang hindi matatawarang pagtitiwala ng Presidente. Bihira ang ganito lalo pa’t mabagsik ang kampanya ng Duterte administration sa illegal drugs.

Lalo pang nakita ang lubos na pagtitiwala ng Presidente nang italagang muli si Faeldon bilang bagong director ng Bureau of Corrections (BuCor). Nagkaroon ng bakante sa BuCor makaraang magbitiw dito si dating PNP chief Ronald dela Rosa na tatakbong senador sa 2019 elcctions.

Wala pa namang kumpirmasyon kung tatang­gapin ni Faeldon ang alok ng Presidente na maging­ BuCor chief sapagkat malakas din ang bali-balita na gusto nitong tumakbong governor ng Oriental Mindoro.

Ang tanong ngayon, halimbawang tanggapin na nga ni Faeldon ang pagiging hepe ng BuCor, kayanin kaya niya? Napakasensitibong posisyon ang BuCor director at kung hindi magiging matapang, mabagsik at istrikto ang mamumuno rito, kakainin ng sistema.

Hindi kaya matulad muli sa Customs ang mang­yari sa kanya sa sandaling maging hepe ng BuCor? Hindi kaya may makalusot na namang shabu? Kilala ang BuCor sa rami ng mga katiwalian. Marami nang naging director ang tanggapang ito subalit lahat (maliban kay Dela Rosa) ay nasangkot sa katiwalian. Una na rito ang illegal na pagpasok ng shabu sa New Bilibid Prisons, corruption sa pondo ng pagkain para sa mga bilanggo at marami pang iba.

Kayanin kaya ni Faeldon ang mabigat at masa­limuot na trabaho sa BuCor? Dapat masubukan ang kanyang kakayahan. Huwag ipahiya ang taong nag­lagay sa kanya sa puwesto.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

NICANOR FAELDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with