Passport na hostage ng agency, binigay din!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

MADALI kaming kausap. Simpleng reklamo, ‘wag nang gawing kumplikado. Anong kaso? Passport ng pobreng aplikante, hino-hostage ng recruitment agency.

Di na mabilang sa daliri ang mga nasolusyonan na­ming­ reklamo ng pangho-hostage ng passport. Marami nang nakipagmatigasan, marami na rin ang mga nakipagsubukan.

Kapag nabisita naman sila ng BITAG-Kilos Pronto kasama ang mga otoridad, nagiging mga bulate naman. Ngangawa na parang mga batang supot.

Kasing linaw ng sikat ng araw. Ang passport ay isang dokumento na pag-aari ng estado. Kaya walang karapatan ang mga cabron na recruitment agency na kuhain ang mga ito.

Gasgas na gawain kasi ng mga loko-lokong ito, tina­tago ang passport para matali ang mga aplikante sa ahensiya. Gagatasan at pagkakakitaan pa bago ibigay ang passport.

Pinakahuli naming nasampolan, Best Migrant Workers­ International Manpower Services Inc. sa Ermita. Sikat kayo ngayon, mga putok sa buho!

Nag-surveillance ang aming grupo’t binulaga ang nasabing agency nitong Martes. Kasama ang tropa ng Manila Police District (MPD) at lokal na barangay. Pu­malag pa ang mga kumag, pahirapan ang gusto. Bibigay din naman.

Kapag kami ang nagtrabaho, iba. Wala nang maraming­ satsat, balik niyo ang passport.

Nalaman pa ng aming grupo na masama ang kanilang standing sa POEA. Matagal ng kanselado ang kani­lang lisensiya. Tsk. Tsk. Tsk.

Kayong mga inirereklamo sa amin, tandaan n’yo ito. Hindi karangalan kapag kayo’y aming nabisita. Men­sahe na rin ito sa ibang mga recruitment agency, umayos kayo! Mga boss, pag kayo’y may reklamo. ‘Wag na kayong magdalawang isip. Dito na kayo tumakbo sa totoong public service. Hindi doon sa mga kunwaring public service pero puro lip service. 

Ang buong segment ng Kilos Pronto ng update na ito, abangan!

PASSPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with