Nagtampo nga si Harry Roque
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2018 - 12:00am

KUMPIRMADO na nagtampo nga ang nagbitiw na Presi­dential Spokesman Harry Roque kay President Duterte. Ang dahilan: nagmukha siyang tanga dahil nang mag-presscon siya ay hindi nIya alam ang tunay na dahilan kung bakit wala ang Pangulo na nasa ospital pala!

Sabi ng Pangulo, hindi naman bawat kibot niya ay dapat niyang sabihin kay Roque. Tingin ko, maling katuwiran iyan. Itinalaga siyang Spokesman at kung hindi niya batid ang mga aktibidad ng Pangulo, ano ang ihahayag ni Roque sa nagtatanong na media? Magmumukha siyang “engot”. Spokesman pero hindi alam kung nasaan ang Pangulo?

Ang Pangulo mismo ang nagkumpirma na tinanggap niya ang resignation ni Roque na ang dahilan ay hindi siya sinabihan tungkol sa pagpapaospital ng Presidente.

Sa palagay ko, ginawa na lang dahilan yaon ni Roque pero sa totoo, matindi ang kanyang pagnanais na kuman­didato sa pagka-senador sa darating na eleksyon ngunit ayaw naman ng Pangulo dahil balak siyang gawing press secretary kaugnay ng planong buwagin ang Presidential Communications Operation Office (PCOO).

Kaya ang ipupuwesto ng Pangulo bilang press secre­tary ay ang kanyang Chief Presidential Legal counsel na si Sal Panelo na siyang unang nagsabi kamakalawa na walang sakit na cancer ang Presidente base sa isinagawa sa kanyang colonoscopy at endoscopy.

Gagawin namang consultant sa Office of the Press Secretary si Sec. Martin Andanar. Kaya ayaw man ng Pa­ngulo na tumakbo si Roque, makakabilang na sa mga kakandidato sa pagka-senador sa 2019 mid-term elections. Ang iba pa ay sina Presidential Political Adviser Francis Tolentino at Special Assistant to the President Bong Go habang tatakbo naman sa local posts sina Secre­tary to the Cabinet Leoncio Evasco (Bohol), TESDA direc­tor-general Gene Mamondiong (Lanao), DFA Sec. Alan Peter Cayetano (Taguig).

HARRY ROQUE RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with