^

PSN Opinyon

Pagpapatalsik daw? Intel report ilabas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MERON daw “conversation” at intel report mula sa isang dayuhang kaibigang gobyerno, sabi ni President Rodrigo Duterte. Nagkukutsabahan umano ang “dilawang Liberal, si Trillanes, at ang Politburo” para ibagsak siya ngayong Oktubre. Tinutukoy niya ang dating naghaharing Liberal Party ni ex-President Noynoy Aquino, ang Magdalo ng mga dating sundalo ni Senator Antonio Trillanes, at ang rebeldeng Communist Party of the Philippines.

Sana ilabas ni Duterte ang katibayan sa kagila-gilalas na ibinunyag. Kundi’y paghihinalaan itong kathang-isip.

Natural para sa mga rebeldeng Komunista na sikaping maagaw ang kapangyarihan. Turo ‘yon ni Marx, Engels, Lenin, Stalin, at Mao. Kaya nga may New People’s Army sila na lumalaban sa militar.

Pero ang hirap isipin na mapapabagsak ng mga Komunista ang gobyerno. Meron ang huli ng mga kanyon, tangke, combat helicopters, fighter jets, warships, at propesyonal na kasundaluhan. Ano ang panama ru’n ng agaw-baril ng mga gerilyang walang pormal na pagsasanay?

Mas mahirap isipin na makikiisa sa mga Komunista sina Aquino at Trillanes. Aba’y nu’ng Pangulohan ni Aquino, inakusahan siya ng mga Komunista ng pagpatay sa mga kadre nila sa Hacienda Luisita, Tarlac. Samantala, lasug-lasog na ngayon ang LP; ni hindi makabuo ng buong 12-kataong senatorial ticket. Ang mga sundalo’t sibilyang Magdalo ay kontra-Komunista. Matagal na nilang tinuligsa si Duterte sa pagpapalaya nito ng mga lider Komunista na pinaghirapan ng militar na hulihin.

Para magdeklara ng martial law nu’ng 1972, “nagbunyag” din si Marcos ng “pakana” ng mga Komunista at oligarkiya na patayin siya. Gan’un din ang sinabi ni Hitler nu’ng 1939 para hulihin ang mga unyonista at mga Hudyo. Kapwa sila nagtayo ng diktadurya.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with