^

PSN Opinyon

Pagkahaba-haba ng prusisyon…

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

BAGO pa iniluklok ng taumbayan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ginawa nang misyon ni Senador Antonio Trillanes ang ipamukha sa bansa ang kanyang saloobin tungkol dito. Hindi nito tinantanan ang pagtuligsa sa mga opisyal na akto ni PRRD at pati na rin sa kanyang pagkatao, lalo na ang integridad at ang rekord nito sa ser­bisyo. Maging ang mga kaanak ng Pangulo sa gobyerno ay isinama rin ng senador sa pagsisiwalat sa publiko.

May mga naniniwala sa senador at mayroon ding hindi makumbinse, kahit pa matimbang na ang ebidensiyang hawak. Sang-ayon ka man o hindi sa mga birada ni Sen. Trillanes, hindi maikakaila na ang kanyang pagiging kritiko ay epektibo. Malaki ang naitutulong nito na mas isaalang-alang ng pamahalaan ang mga patakaran ng batas at karapatan ng mamamayan. Sa ganung pamantayan, si Sen. Trillanes ay malaki ang pakinabang.

Nang mapabalitang aarestuhin ito dahil daw walang bisa ang kanyang amnestiya, malaking sektor ng lipunan ang nabahala. Naging malaking balita noon ang pagbigay ng amnestiya sa senador at sa kanyang pangkat. Kung ito’y babawiin dahil lamang sa isang teknikalidad – apektado rin ang libu-libong nauna nang amnestiya. Lahat nito’y magiging kaduda-duda na rin. Maliligalig ang katiwasayang napanalunan sa pakikipagbati ng gobyerno at mga rebelde, kesyo sundalo o rebolusyonaryo.

Ang mas malala ay ang imahe na dinadaan ng Pa­ngulo sa lakas at sa dahas imbes na sa batas ang kaso ng senador. At dala ito ng kanyang pagkapikon sa mga atake ng huli. Kahit saan ito tingnan, hindi maipapaliwanag ang ganitong asal sa isang malaya at demokratikong lipunan. Kasama sa laro ang kritisismo. Ganun talaga ang kalbaryo ng lingkod bayan. Walang dapat ikabahala kapag malinis ang konsensiya.

Ang pag-order ng Makati Regional Trial Court na ares­tuhin si Sen. Trillanes ay may maraming implikasyon. Kahit papaano, inutos pa rin ito ng isang hukuman pagkatapos magbigay ng kaukulang pandinig. Pero, sa huli, hindi mabubura ang masamang panlasa na isang pagsalaula ng batas ang ating natunghayan.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with