^

PSN Opinyon

Lahing Kapampangan ba si Andres Bonifacio?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SINALIKSIK ni Prof. Joel Regala ang tanong na ‘yan na paulit-ulit sa probinsiya ng Pampanga. Kasi, sa bayan ng Masantol, dating baryo ng matandang Macabebe, ma­raming may apelyidong Bonifacio. At ilan sa mga pamil­yang ito ay nagsasabi, batay sa kuwento ng mga ninuno, na kamag-anak nila ang Supremo ng Katipunan.

Tatlumpung Bonifacio ang kinapanayam ni Regala, pinuno ng social sciences department ng Holy Angel Uni­versity, Angeles City. Para sigurado, sinaliksik niya ang tatlo hanggang apat na henerasyon ng bawat pa­milya. Natunton niya na ang isang Narciso Bonifacio ng ngayo’y barangay Sta. Cruz ay regular na nagdadala ng bigas kay Andres Bonifacio sa Tondo, Manila. Mahirap ang biyahe noon. Binabangka ang bigas mula palayan hanggang Pampanga Bay. Lumilipat sa mas malaking batel para tumungo sa Manila Bay. Tapos, kinakalesa ang bigas hanggang bahay ni Bonifacio. Hindi lang ‘yon: hang­gang nagtago si Andres sa Maragondon, Cavite, ay dina­dalhan siya ng bigas.

Hindi basta gagawin ng sinumang kamag-anak ‘yon. Maski ba may kabayaran kung sakali, malamang magka­bagang sina Andres at Narciso, na halos magkaedad.

Nakakapagtaka na merong matandang magkaka­patid na Bonifacio sa Masantol na ang pangalan ay Andres, Ciriaco­, at Protacio. ‘Yun din ang pangalan ng magkakapatid­ na pinatay sa Mount Buntis. Hindi segun sa kalendaryong Kristiyano ang pagpapangalan sa magkakapatid sa Masantol, kundi batay sa mga umano’y tiyo nila.

Marahil teknolohiya -- DNA testing -- ang magpapatunay kung magkamag-anak nga talaga si Bonifacio ng Tondo at ang mga taga-Masantol. Problema nga lang, hindi matiyak kung ang mga buto ni Andres sa La Loma cemetery ay totoong kanya. (Iisa lang ang retrato ng bayani -- ang kasal niya kay Gregoria de Jesus.) Sinaliksik ito ni Regala hindi para gawing regionalistic kundi buuin ang kuwento ni Bonifacio.

vuukle comment

JOEL REGALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with