^

PSN Opinyon

Walang pinipili ang dengue

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KAHIT mga doctor ay hindi ligtas sa dengue. Katunayan, limang doctor sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) ang nagka-dengue at isa sa kanila ay namatay. Magaling na ang apat. Ang mga doktor na nagka-dengue ay hindi nabakunahan ng Dengvaxia.

Mukhang sa PCMC nakuha ng limang doktor ang dengue, kaya naman inaalam kung bakit ito naganap dahil hindi maganda na sa ospital pa mismo magkakaroon ng outbreak. Kailangang imbestigahan kung may mga tubig kung saan puwedeng pangitlogan ng mga lamok. Kung maaari, dapat idaan ang buong ospital sa fumi­gation. Ala­min din kung may outbreak ng dengue sa mga komu­nidad malapit sa ospital. Hinihintay din ni DOH Sec. Duque ang opisyal na ulat ng PCMC. 

Ayon kay PCMC hospital executive director Julius Lecciones, tumaas din ang bilang ng mga kaso ng dengue sa ospital mag mula pa noong Mayo. Kung ganun ay may outbreak nga ng dengue sa komunidad na dapat aksyunan ng mga nauugnay na ahensiya ng lokal na pamahalaan. Dapat malaman din kung nabigyan ng Dengvaxia o hindi ang mga nagka-dengue, para sa karagdagang impormasyon. Wala pa rin naglalabas ng pagsusuri kung ang mga nabigyan ng Dengvaxia ay hindi nagka-dengue sa lugar na tumaas ang bilang ng kaso.

Kapag may mataas na lagnat na hindi bumababa, mag­patingin kaagad sa doktor para malaman kung den­gue na o hindi. Panahon ng dengue ang tag-ulan. Walang gamot ang dengue mismo, kaya mga sintomas lang ang binibigyan ng lunas. Ang pagdurugo ang dapat bantayan nang mabuti, lalo na kung bumabagsak ang bilang ng platelets sa dugo. Kung kailangang salinan ng dugo, malalaman kaagad kung nasa ospital na’t nababanta­yan. Kusang gumagaling ang dengue kung walang mga kumplikasyon o kondisyon na peligroso. Tulad ng lahat ng sakit, mas maganda kung maaagapan kaagad.

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with