^

PSN Opinyon

Bocaue police chief, sinira ang imahe ng PNP

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MALAKI ang naging papel ng Philippine National Police (PNP) sa Region 1, Region 2 at Region 3 na hinagupit ng Bagyong Ompong kamakailan. Sila ang unang sumuong sa panganib upang mabigyan ng babala ang ating mga kababayan na nasa gilid ng bundok, tabing ilog at dalampasigan. Tumalima sila sa utos ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde matapos ang direktiba ni Pres. Rodrigo Duterte sa lahat ng mga ahensya na mag­handa sa Bagyong Ompong. Naging epektibo ang pagkilos ng mga pulis, bagama’t mayroon ding namatay na ilang kaba­bayan dahil sa katigasan ng ulo. Gaya nang nangyari sa Itogon, Benguet na mahigit 50 minero ang na­ma­tay dahil sa landslide.

Updated ako sa naging paghahanda ni Region 1 director C/Supt. Romulo Sapitula sa Bagyong Ompong. Lahat ng kaganapan sa mga nasasakupan ng Provincial Police Office gaya nina S/Supt. Cesar Pasiwen ng Ilocos Norte; S/Supt. Clint Bayacsan, Ilocos Sur; S/Supt. Ricardo Layug, La Union at SSupt. Wilson Lopez ng Pangasi­nan ay naibabahagi sa akin. Maging si San Fernando City Police chief Supt. John Guiagui ay nahingian ko pa ng mga larawan sa mga aktibidades niya sa bagyong Ompong. Halos wala silang tulog sa paglilikas sa mga residenteng apektado upang masiguro ang kaligtasan. At ang resulta, walang casualties sa lalawigan. Mabuhay kayo mga sir!

* * *

Sinira ng Bocaue police chief na si Supt. Jowen dela Cruz ang imahe ng PNP. Hinuli si Dela Cruz ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) na pinamumunuan ni Supt. Joel Estaris kasama ang Highway Patrol Group (HPG) Region 3 at Intelligence Group sa loob mismo ng Bocaue police station matapos tanggapin ang Apple 1-Phone X sa kaanak ng drug suspect. Nadiskubre na ginagamit ni Dela Cruz ang Mitsubishi Montero, Toyota Vios, Toyota Wigo at dalawang motorsiklo ng drug suspect. Maging ang mga tauhan ni Dela Cruz ay hindi na masikmura ang ginagawa ng hepe.

General Albayalde, Sir, kalusin na si Dela Cruz para hindi na pamarisan. Abangan! 

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with