^

PSN Opinyon

Sira-ulo ang pinakasalan

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

ANG kasal ay sagrado sa ilalim ng ating batas. Ito ay kinikilala na isang mahalagang institusyon sa lipu­nan kaya walang diborsiyo sa Pilipinas. Maari lang ipawalambisa ang kasal dahil sa umpisa pa lang ay hindi na ito balido kung ang isa sa kanila ay may diperensiya sa pag-iisip (psychologically incapacitated) at walang kakayahan na gampanan ang kanyang tungkulin bilang asawa. Ipinapaliwanag ito sa kaso nina Ge­rald at Cristine.

Naging magnobyo sina Gerald at Cristine noong mga estudyante pa sila sa isang sikat na unibersidad. Natapos ni Cristine ang kanyang kurso at nagtrabaho mismo sa unibersidad. Hindi naman natapos ni Ge­rald ang kurso niya sa kolehiyo at nagtrabaho na lang sa negosyo ng pamilya. Noong nanliligaw pa lang si Gerald ay napansin na ni Cristine na mahiyain, pala­ging nag-iisa, seloso at walang ambisyon sa buhay si Gerald. Sa kabila nito ay pinakasalan pa rin niya si Gerald pagkatapos ng limang taong relasyon sa pag-asang magbabago rin ito.

Ngunit lumala pa ang ugali ni Gerald kahit pa nagkaroon na sila ng dalawang anak na babae. Sa sobrang pagseselos niya sa lahat ng kausap ng asawa ay tumigil pa sa trabaho si Gerald para lang mabantayan si Cristine. Nakuha pa niyang tutukan ng baril ang kinse-anyos na pinsan na pinaghinalaan niya ay karelasyon ni Cristine. Parang sex slave din ang trato niya sa misis at nakikipagtalik sa asawa sa loob ng apat hanggang limang beses kada araw pati habang lunchbreak ng babae.

Minsan ay inaalok pa ni Gerald na magsama sila ng ibang tao na manonood sa kanila habang nagtatalik o kaya ay sa ibang lalaki makipagromansa si Cristine habang pinanood ng mister. Pakiramdam ni Cristine ay binababoy at minamaltrato na siya ng asawa. Tuwing tatanggi naman siya ay nagagalit at inaaway siya nito. Inaaya ni Cristine si Gerald na sumali sa marriage counseling pero ayaw nito at iniisip na kalokohan lang iyon.

(Itutuloy)

vuukle comment

PSYCHOLOGICALLY INCAPACITATED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with