^

PSN Opinyon

Spot the difference: Mocha and Trillanes

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ILANG beses ba dapat maulit ang pagkakamali sa taong malimit magkamali? 

Eto ang ilan sa mga tanong ng mga netizen sa hanay mismo ng mga supporter ni President Duterte para kay PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Totoo na si Asec Mocha Uson ay malimit malagay sa sentro ng kontrobersiya. Mainit sa kanya ang mga nasa oposisyon maging ang mga nasa administrasyon.

Subalit sa mga pagkakamali ni Mocha ay mukhang napapadalas pero hindi pare-pareho ang mga isyu. Magkakaiba.

Kamakailan, si Mocha ay nagsalita at nagpakumbaba, humingi ng kapatawaran sa mga nasaktan ng kaniyang video post hinggil sa sign language. Ang kanyang blogger­ na kaibigan na si Drew Olivar, gumawa ng sign language na naging malaking isyu sa deaf community o mga kaba­bayan nating may kapansanan sa pandinig.

Kung may kasalanan man si Mocha ay natawa siya sa ginawa ng kanyang kaibigan na si Drew at nagbitiw ng salitang “para kang unggoy”. Usapang magkaibigan na walang kinalaman na mang-insulto sa may kapansanan.

Aniya, “Sir Ben, tumawa lang ako sa ginawa ni Drew, wala sa motibo kong mang-insulto at pagtawanan ang may kapansanan. Humingi na ako ng paumanhin at kapa­tawaran.” Eto ang pahayag ni Mocha sa akin noong Hu­webes ng gabi sa telepono.

Subalit may mga sektor sa ating lipunan na maiinit at hirap magpatawad. Ang gusto, ay agad matanggal at masibak si Mocha sa puwesto. Pati Ombudsman, sa “pagkakamali” ni Mocha, kinaladkad sa issue. Gusto nilang palabasin na isang uring krimen ang nagawa ni Mocha.

Tila baga’y hinanay nila si Mocha sa mga opisyales ng pamahalaan na sangkot sa katiwalian, pang-aabuso sa kanilang kapangyarihan at iba pang kasong “krimen” at hindi lang pagkakamali na sa salitang kalye ay mga  sablay o palpak na gawain.

Ipaghambing natin ang kaso ni Mocha at kaso ni Sen. Antonio Trillanes. 

Si Trillanes, walang kadala-dala, walang pagsisisi. Hindi lang pagkakamali ang ginawa ni Trillanes kun’di gumawa ng krimen laban sa ating bansa. Si Trillanes, umamin daw ng pagkakamali, pero walang pagsisisi sa kanyang nagawang krimeng kudeta! 

Sa pananaw ni Trillanes, maituturing na «patriotic act» daw o pagiging makabayan noong siya’y sundalo pa.

Subalit si Trillanes, napatawad, nabigyan ng amnestiya ng dating Presidenteng si Benigno Aquino III. Kasalukuyang pinagtatanggol, pinagsisigawan ng mga supporter ng mga dilawan na “irrevocable” na ang amnestiyang nabigay kay Trillanes. 

Sa umpisa pa lang ay mali na talaga kung pag-uusapan ang mga kondisyones para mapabilang sa mga nabigyan ng amnestiya.

Kung titingnan si Trillanes ay paulit-ulit sa kanyang pinaggagawang kamalian mismo sa kaniyang mga kabarong senador. 

Hindi natututo, hindi nagpapaumanhin, hindi nagsisisi. Bakit ang taong ito ay ipinagtatanggol ng mga intelihenteng nasa oposisyon at dilawan? 

Eh si Mocha, supporter ng pangulo, hindi singtalino, singangas, singbastos ni Trillanes sa Senado. 

Bakit napakahirap tanggapin ng pagpapaumanhin at pagpapakumbaba ni Mocha na hindi kayang gawin ni Trillanes? Bakit hindi ito nakikita ng mga pulitikong opposition supporters na kinukondena si Mocha?!

Gets n’yo ang pagkakaiba? 

vuukle comment

MOCHA USON

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with