^

PSN Opinyon

Pagpondo ng jueteng sa Himagsikang 1896

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG Marso 1896 inimprenta ang una’t kaisa-isang isyu ng Kalayaan, ang pahayagan ng Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Ang petsa ng isyu ay Enero 1896, at 200 kopya lang ang nailathala. Pero daan-libo umano ang nakabasa at napaliwanagan ng mga nilalaman nito. Kaya sumiklab ang Himagsikan nu’ng Agosto 1896.

 Palihim inimprenta ang Kalayaan. Abuloy sa KKK ang lumang makina ng dalawang taga-Aklan, sina Francisco del Castillo at Candido Aban. Kauuwi pa lang nila sa Pilipinas mula sa trabahong pagsisid ng perlas at kabibi sa Australia. Nanalo sila sa loterya -- tinatawag na jueteng ng mga Tsino sa labas ng Intramuros at sa Sangley, Cavite. Agad inambag nila at dinala ang makina sa bahay ni Andres Bonifacio sa Tondo, Manila.

Sa Tondo may kapitbahay si Bonifacio na mestisong Tsino. Nanalo naman ito sa loterya -- jueteng -- sa Macau­, at agad nag-abuloy sa KKK. Sinasabing tinustos ito ni Pio Valenzuela, kapwa opisyal ng KKK, para sa papel, tinta, at tipograpiyang pang-imprenta. Isinakay umano sa tren ang imprenta para maikubli ang ingay ng makina. Tapos itinago ito sa bahay ni Valenzuela sa San Nicolas, Manila.

Si Valenzuela ang naging sugo ng KKK kay Jose Rizal. Binisita ng una ang huli sa exile sa Dapitan, Min­danao. Tinanggihan ni Rizal ang hikayat na sumapi sa KKK, at pinayuhan si Valenzuela na hindi pa handa magbuhat ng armas ang mga Pilipino laban sa Kastila.

Abala si Rizal noon sa pagtuturo ng agham, mabu­ting asal, at pagsayaw sa kabataan ng Dapitan, at sa paggagamot sa mga maysakit. Bukod sa kubo ng kawayan, nagtayo siya roon ng pabilyon para sa mga klase ng mag-aaral, at klinika ng mga maysakit. Saan nanggaling ang pera para sa konstruksiyon at operasyon? Sa loterya -- jueteng -- din.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

JUETENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with