^

PSN Opinyon

Hindi kukunsintihin ng Malacañang si Mocha ’pag sinibak ng OMB

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI pala dudutdut ang daliri o makikialam ang Malacañang kapag nagbaba ng utos ang Ombudsman na sipain si Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa reklamong pambabastos sa mga PWD’s nang ginawa nilang kenkoy ang sign language.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung patatalsikin ng OMB si Mocha ay tiyak palalayasin nila ito sa Malacañang sa isinampal este mali reklamo palang inihain sa graft court.

Ika nga, antayin ang decision making ng OMB, huwag magmadali!

‘wait and see muna tayo madlang people.’ sabi ng kuwagong manunulsol.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pumalag ang Philippine Federation of the Deaf dahil naglibag este nilabag pala ni Mocha ang RA 9442 o ang Magna Carta for Disabled Persons kasama rin sa inireklamo sa Ombudsman si Drew Olivar, isang blogger.

Bakit?

Accessories si Drew!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi dapat gawing katatawanan at laitin ang madlang people na may kapansanan sa Philippines my Philippines o kahit saan lugar sa mundo.

Hindi mapapatawad ng grupo sina Mocha at Oliver.

Gusto nilang pasibak si Mocha sa gobierno!

Ika nga, ang istilo ni Mocha ay paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at maging sa Anti-Cybercrime law.

‘Hindi mapapatawad ng grupo ang ginawa nina Mocha at Drew kahit na humingi na ito ng tawad sa kanila.’

Sa palagay ng grupong nagreklamo kina Mocha at Drew hindi sila sincere sa ginawa nilang paghingi ng tawad sa kanila.

Naku lagot!

Abangan.

Hundreds of Tsekwa workers sa Metro - Manila

THE other week nabuko ni Senator Franklin Drilon na madaming tsekwa workers ang nasa Philippines my Philippines at working todits.

Sabi nga, kaya naman hirap maghanap ang madlang Pinoy ng trabaho sa Metro - Manila ay dahil sa daming tsekwa workers.

Sabi nga, ang nabibigyan prioridad?

Naku ha!

Ano ba ito?

Mayroon daw 150,000 workers ang diumano’y working sa Entertainment City dyan sa Parañaque.

Matindi ito, hindi biro kaya kailangan itong imbestigahan ng todo.

Ika nga, huwag tatantanan.

Abangan.

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with