^

PSN Opinyon

Martial law huwag nating kalimutan

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

KUNG inaakala nang marami na kulang sa kaalaman ang ating mga kabataan tungkol sa proklamasyon ng martial law noong Setyembre 21, 1972 ay nagkakamali kayo. Hindi ko na ikinagulat ang ginawa ng mga kabataan noong Sabado na sumali sa rally ng kontra sa administrasyong Duterte dahil nababahala na ngayon na baka maulit ang martial law sa buong bansa. Pinakikita lamang na kung sakaling iproklama muli ang martial law ay kabataan ang unang mag-aaklas at sigurado ako ang puwersa ng mga ito.

Tuwing sasapit ang Setyembre buhay na buhay sa alaala ng sambayanang Pilipino ang martial law lalo na yung mga senior citizen. Tinunaw ng martial law ang demokrasya sa bansa noong panahong iyon. Marami ang nagbuwis ng buhay sa pamamagitan ng torture. Walang puwedeng kumontra sa Marcos government dahil puwede silang ikulong o burahin sa mundong ginagalawan. Para sa akin maling-mali ang lumalabas na balita ngayon na wala raw naagrabyadong tao noong panahon ni diktador Ferdinand Marcos. Ako mismo at aking pamilya ay nakaranas ng kahirapan. Hindi ako nakapagsulat sa pahayagan dahil baka di na abutin ng kinabukasan ang aking buhay.

Ang nakalulungkot lang ngayon, nakikinikinita ko na magkakaroon ng pangalawang martial law sa buong bansa. Nararamdaman din yan ng mga kabataaan di man sila mulat sa nangyari noon pero dahil sa kanilang pag-research tungkol sa martial law siguro naman ‘di na nila ito muling papayagan pa. Kahit pa ipinipilit ng Malacañang na walang mangyayaring martial law sa Luzon at Visayas malakas ang kutob ng nakararami. Sa paiba-ibang isip ni President Digong puwedeng isang araw ay ideklara niya ito.

Marami nang palpak na nangyayari ngayon sa ating bansa, hindi na kinakagat ng ating mga kababayan ang ilang programa ng gobyerno kaya asikasuhin n’yo ang ekonomiya bago mamulitika.

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with