^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga lumang dyipni walisin na sa kalsada

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga lumang dyipni  walisin na sa kalsada

AYON sa Department of Transportation (DOTr), sa susunod na taon ay ipatutupad na ang transport modernization program. Maraming sasakyan na 15 hanggang 20 taon pataas ay wawalisin na sa kalsada. Ito ay may layuning mapabuti ang transportation system at nang malutas din ang problema sa air pollution. At kabilang sa mga sasakyang ma­wa­walis sa kalsada ay ang mga lumang dyipni. Desi­dido ang DOTr na ipatupad ang transport moderni­zation at puwersahan na umano ang pagwalis sa mga lumang sasakyan.

Kabilang sa mga tatamaan ng modernisasyon ang mga bulok na dyipni na mahigit na umanong 20 taon ang gulang pero patuloy pa ring ibinibiyahe. Ayon sa DOTr, nasa 170,000 na mga kakarag-karag na dyipni ang wawalisin sa kalsada at deretso na sa junkshop ang mga ito. Ayon pa sa DOTr, mag-a-accredit sila ng mga scrapping companies para ang mga ito ang mamamahala sa pag-scrap sa mga lumang dyipni.

Pero bago raw walisin ang mga lumang dyipni, pagkakalooban ang mga may-ari ng lumang dyipni ng P80,000 na subsidiya para makabili ng modernong dyipni na magagamit nila sa pamamasada. Ang mga bagong unit ng dyipni ay hindi nagbubuga ng hanging may lason kaya hindi makasisira sa kapaligiran.

Tama ang hakbang na ito. Panahon na para walisin ang mga lumang sasakyan lalo na ang mga karag-karag na dyipni na bukod sa pinu-pollute ang hangin ay nagdudulot pa ng trapik at dahilan nang maraming aksidente. Hindi na dumadaan sa regular maintenance ang mga dyipni at takbo na lamang nang takbo. Dispalinghado na ang preno, walang ilaw, at sinusuwag ang mga bahay at pedestrians. Karamihan sa mga driver ng dyipni ay walang disi­plina kaya naman marami ang naaaksidente. 

Ayon sa DENR, 80 porsiyento ng emissions o usok ay galing sa mga tambutso ng sasakyan at kabilang dito ang mga dyipni. Nilalason ng mga sasakyang ito ang hangin na dahilan ng pagkakasakit at kamatayan ng mamamayan. Ang mga sakit na nakukuha sa maruming hangin ay pulmonya, bronchitis, asthma, istrok at atake sa puso.

Walisin na ang mga bulok na dyipni para naman mabawasan ang pollution, trapik at aksi­dente. Palitan ang mga ito ng modernong dyipni na environment friendly.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with