^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hatol sa ‘berdugo’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hatol sa �berdugo�

DUMATING din ang pinakahihintay na sandali sa tinaguriang “berdugo” ng mga militante. La­bindalawang taon din ang lumipas bago nahatulan si retired Army general Jovito Palparan dahil sa pagdukot sa dalawang estudyante ng UP noong 2006. Habambuhay ang hatol kay Palparan ng Malolos Regional Trial Court at sa dalawa pa niyang tauhan na sina Lt. Col. Felipe Anotado at Staff Sgt. Edgardo Osorio. Ang isa pang sunda­long akusado ay hindi pa nadarakip.

Dinukot ang mga estudyanteng sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan noong 2006 sa isang bayan sa Bulacan. Hindi na natagpuan ang dalawa mula noon. Dahil sa hatol na habambuhay kina Palparan, gumaan kahit paano ang kalooban ng mga magulang ng dalawang estudyante. Pero hi­ling pa rin nilang makita ang dalawa, kahit bangkay na ang mga ito. Bukod sa hatol na habambuhay, inatasan din ng korte sina Palparan na magbayad­ ng tig-P100,000 civil indemnity at P200,000 para sa moral damages. Pagkatapos basahan ng sen­tensiya, agad iniutos ng judge na dalhin sa National Bilibid Prisons (NBP) ang tatlo pero sa huling­ report, nananatili pa rin umano sa Fort Bonifacio ang “berdugo” at dalawang akusado.

Si Palparan ay nahuli noong Agosto 2014 mula nang magtago noong Disyembre 2011. Limang mil­yong piso ang reward sa “berdugo”. Tatlong taon siyang nagtago bago nahuli sa isang nireren­tahang bahay sa Sta. Mesa, Manila, malapit sa Polytechnic University of the Philippines (PUP). Mga agent ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nakahuli kay Palparan. Nagpahaba ito ng buhok at balbas para hindi makilala. Pero hindi pa rin siya nakaligtas sa batas.

Ang pagkakahatol kay Palparan ay magandang senyales, na kahit isang heneral ay hindi makakalusot sa batas. Kahit pa gaano siya “katigas” magbabayad din siya. Nagpapatunay din ito na gumugulong ang hustisya sa bansa. Kahit pa nagtagal ang paghatol sa “berdugo” dumating din ang oras para sa kanya. Nanaig pa rin ang batas. Sana, ganito rin ang kahinatnan ng iba pang kaso na makamit na rin ang inaasam na hustisya.

vuukle comment

JOVITO PALPARAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with