^

PSN Opinyon

Sidewalk ay para sa tao, hindi para sa negosyo

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ANG mga bangketa’y ginawa ng gobyerno para daanan ng tao. Ginastusan at pinag-aralan ang pagpapatayo nito para may ligtas na lalakaran ang mga pedestrian.

Kayong mga hijo de puto’t kutsinta na nagnenegosyo sa mga sidewalk, makinig kayo. Hindi ginawa ang sidewalk para pagkakitaan ninyo, pagtayuan ng carinderia at kung anu-ano.

Hindi kami anti-business na kontra sa mga maliliit na negosyo. Pero kapag iligal ang inyong pamamaraan at may mga taong napeperwisyo at nagrereklamo, mga boss ibang usapan na ito.

Ang isang sidewalk sa Quezon City, binaboy na. Inang­kin pa ng mga tao, tinayuan ng negosyo, tinapunan ng basura. Saan dadaan ngayon ang tao? Masasaga­saan dahil inangkin na ang sidewalk.

Nakumpirma namin ang reklamo nang bisitahin ito ng aming investigative team. Ikinakalat sa daan ang mga tira-tirang pagkain at pinaglutuan. Asiwa ang mga residente’t dumadaan sa umaalingasaw na kababuyan.

Kung tutuusin, ito’y maliit lang na reklamo pero naka­abot pa rin sa amin. Di mo maintindihan kung anong gina­gawa ng barangay at hindi maaksyunan. Baka natutulog doon sa tinayong pansitan sa daan.

Kilos pronto ang aming aksyon reklamong ito. At kapag sinabi naming kilos protong aksyon, may resultang nakikita. Mayroong accomplishment. Tapos agad ang problema.

Bumubusina na kami riyan sa barangay na nakaka­sakop. Hindi kami performer. Malaking kahihiyan ito para sa inyo, harap-harapan kayong pinendeho. Problemang pambarangay, nakaabot pa sa city hall.

Kami’y kumikilos. Walang pa-epal, walang papogi. Maraming nagsasabi kung bakit kami nanghihimasok sa hindi namin trabaho, kundi trabaho ng gobyerno ‘yan.

Mga boss, hindi kami gumagamit ng pondo ng gobyerno. Pondong pribado sa pamamagitan ng mga advertisement na kinikita namin sa mga palabas tulad ng Kilos Pronto. Paulit-ulit naming deklarasyon. Ang pagtulong namin sa iba ay hindi ibig sabihing nangangarap akong maging pulitiko. Hindi ako interestado sa pulitika at wala akong balak tumakbo.

Hinihikayat namin ang publiko. Kung kayo’y biktima ng pang-aapi, inabuso, ginantso, pinagsamantalahan, ‘wag na kayong mag-atubili. Takbo na kayo agad sa BITAG-Kilos Pronto

vuukle comment

BITAG-KILOS PRONTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with