^

PSN Opinyon

Bayolente ang mga batang hamog

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

TUWING may bisita sa ating bansa na mataas na opis­yal, tandang-tanda ko pa na sanib puwersa ang mga taga DSWD, LGU at mga pulis sa paghuli sa mga taong palaboy-laboy sa mga kalsada. Numero uno itong nangyayari sa Maynila. Mapaaraw man o gabi kahit nasa kasarapan ng tulog ang mga palaboy ay bibitbitin nila ang mga ito. Ang tanong ko ay ito, nasaan na ‘yung mga nahuli nyo noong panahong iyon? Hindi kaya ito na naman sila? Panandaliang itinago habang nasa bansa ang panauhing pandangal.

Mas naging mapusok nung nagbalik-kalye. Dati-rati nangangalabit lang sila ng mga pasahero at manghihingi ng barya, ang iba ay kinakatok ang mga bintana ng mga kotse. Ngayon umaakyat na sila sa mga jeep at kapag hindi nakuha ang gusto ay nananakit na sila. Hindi na biro ang ganitong gawain ng mga batang pa­kalat-kalat sa lansangan, kung minsan ito ang nagi­ging sanhi ng krimen. Siguro naman napanood n’yo sa TV at social media ang ginawa ng mga batang ha­mog. ‘Yung una ay sinabunutan ang ale at ‘yung panga­lawa ang matindi, kinaladkad ‘yung isang senior citizen. Anong laban ng matandang pinagtulung-tulungan nila? At ayon pa sa isa nilang kasamahan gustong sak­sakin ‘yung matanda.

Nakaaalarma na ang ginagawa ng mga ito ngayon. Huwag naman sanang pakitang tao lang ang gina­gawa ng mga nakaluklok sa puwesto. Habang hindi pa nagiging criminal ang mga batang hamog ay pagdadamputin n’yo na. Bigyan ng tirahan at trabaho upang hindi na nila balikan ang nakagisnan nilang trabaho. Sa aking palagay, marami sa mga yan ay snatcher, holdaper, pusher at mga gumagamit ng solvent. Kung hindi agad aaksyunan ang problema sa mga palaboy na ‘yan, mas marami sila ngayon habang papalapit ang kapaskuhan.

vuukle comment

STREET CHILDRENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with