^

PSN Opinyon

Diktadurya huwag na sanang maulit

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

GUGUNITAIN sa Setyembre 21 ang ika-46 na taon mula nang ideklara ni Presidente Marcos ang batas military sa bansa noong taong 1972. Kung tutuusin, kaunti na lamang sa mga kababayan natin ang nakakaalala sa mga pangyayari sa panahon ng martial law.

Importante ang komemorasyon para ipaalala sa bawat Pilipino na dapat magkaisa sa pangangalaga ng demo­krasya at huwag nang pahintulutang mangyari muli ang madilim na kabanata ng ating bansa sa panahon ng martial law. Mukhang marami na ang nakalilimot sa pinagdaanan ng ating mga bansa sa mga panahong yaon.

Preparado na ang National Capital Regional Police Office at Manila Police District na magde-deploy ng 4,000  pulis sa Quirino Grandstand at iba pang panig  sa Maynila. Ito ay upang siguruhin ang kaayusan ng iba’t ibang militante at relihiyosong grupo na nakatakdang magdaos ng rally kaugnay ng okasyong ito. Harinawang huwag magkaroon ng karahasan. Nakakabahala dahil hindi lamang mga militanteng grupo ang lalahok sa rally kundi pati ang mga Marcos loyalists. Huwag sanang mag­kabanggaan.

Nagkasundo umano ang pulisya at  iba’t ibang grupo ng militante at relihiyoso para sa mapayapang rally. Inireko­menda ng MPD na ganapin ang aktibidad sa Quirino Grand­­stand habang sa Burnham green na lamang ang pro-Duterte group.

Ayon sa NCRPO, tanging ang mga may permit at orga­nizer ang kanilang papayagang mag-rally. Huhulihin ang mga grupo na magsasagawa ng rally sa mga ipinagba­bawal na lugar.

Tiniyak ng PNP na paiiralin ang maximum tolerance basta’t huwag lang humantong sa karahasan o pang-uud­yok dahil kailangan pa rin nilang  ipatupad ang batas at nararapat. Huwag naman sanang humantong pa sa ganoon.

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with