^

PSN Opinyon

Tariffs, binabatikos na masamang buwis

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KAHIT sino ay maari nang umangkat ng bigas -- basta magbayad lang ng 35% tariff. Matagal na itong panukala sa Pilipinas ng World Trade Organization. Pagpatas daw ito sa kalakalan, kaysa taunang quota na 550,000 tone­lada na walang taripa, tapos 50% taripa sa labis. Nauuwi lang ito sa smuggling, at palakasan sa National Food Authority. Kinatigan ang WTO ng National Economic Development Authority.

Pero galit ang maraming ekonomista sa mundo sa pagtataripa. Lalo na’t ginagamit ni US President Donald Trump ang pagtataripa bilang sandata laban sa mga ka-kompetensiyang ekonomiya ng China, Canada, at European Community.

Pinatawan ni Trump ng 25% taripa ang mga produktong dating nagdulot ng taunang $90 bilyong kita sa America. Una na rito ang steel at kotse. Pamprotekta umano ito sa mga trabaho sa America. Natuwa ang mga Amerikanong steelmakers at carmakers; nanlupaypay ang steel na mula China at Canada, at kotseng gawang Europe. Pero nagalit ang mga Amerikanong umaangkat ng murang bakal sa paggawa ng iba pang produkto. Mas marami silang empleyado na maaring mawalan ng trabaho dahil sa pagmahal ng materyales. At siyempre gumanti ang China, na nagpataw din ng 25% taripa sa mga produktong gawa o ani sa mga states na kontrolado ng Republican Party ni Trump. Nasaktan sila.

Anang mga ekonomista masamang uri ng buwis ang taripa. Bukod sa nagmamahal ang raw materials para sa maraming industriya, nagbubunsod ito ng katiwalian. Tulad sa Pilipinas, nanunuhol ang malalaking kompanya para paboran ng kani-kanilang kongreso at ehekutibo. Pinaka-sagana sa kotong ang mga customs agencies.

Ehemplo nito sa Pilipinas ang dalawang paksiyon sa sektor ng enerhiya. Nagla-lobby ang power plants na umaangkat ng uling na panatilihin itong mura. Nagla-lobby ang solar at wind farms na bigyan sila ng P35-bilyong taunang subsidy mula sa mamamayan.

vuukle comment

WORLD TRADE ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with