LTO-Paniqui, Tarlac Kotong Queen, kilalanin!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2018 - 12:00am

MATINDI ang kampanya ng administrasyon ni Pres. Rodrigo Duterte laban sa korapsiyon. Matagal nang babala ng Presidente, kahit madawit lang ang pangalan ng mga naninilbihan sa gobyerno sa korapsiyon, wala siyang sa­san­tuhin. Marami nang nasampulan, malalaking pangalan, kila­lang tao. Pero may mangilan-ngilan pa ring nakalimot na administrasyon na ni Duterte ang nakaupo ngayon kaya tuloy lang sa pangongotong.

Kahapon ay naipalabas namin sa BITAG-Kilos Pronto ang aktuwal na pangungubra ng hepe ng Land Transportation Office (LTO) sa Paniqui, Tarlac. Not once, not twice, not thrice… kundi apat na beses naidokumento ng mga BITAG undercover ang pangingikil ni “Kotong Queen”. 

Mula Quezon City, personal na tinungo ng BITAG Investigative Team ang Paniqui, Tarlac dahil sa sumbong ng mga may-ari ng mga klinikang kinokotongan umano ng kanilang LTO Chief na si Estela Nicolas. Seventy pesos kada pasyenteng nagpapa-medical ang butaw umano na hini­hingi ng hepeng si Nicolas. Sa isang araw, pinakamababa na ang treinta kataong nagpapa-medical sa isang klinika pa lang. Kung susumahin, mahina ang P84,000 sa isang buwan ang nakukubra ng hepe. Galit pa raw ito kapag may bawas ang kanilang S.O.P kay hepe.

Para patunayan ang sumbong ng mga nagrereklamo, agad naming pinagana ang mga BITAG undercover na ilang araw nagmatyag at nagmanman sa Paniqui, Tarlac. Laman ng aming surveillance at undercover camera, aktuwal na pag-abot ng pera ni Nicolas mula sa mga nagma-may-ari ng kli­nika. Ang S.O.P o butaw, araw-araw na binibigay sa kanya. Dokumentado ang bawat reaksiyon ng hepeng si Nicolas kada bigay sa kanya. Kapag nalaman niyang may kulang, sungit at galit ang inaabot ng mga nagrereklamo.

Sa ikaapat na araw, naglakas-loob ang mga BITAG undercover na tanungin kung para saan ang S.O.P na P70 kada ulo sa kanilang klinika, dito na nanggalaiti ang kolokay. Isang malutong na don’t question me my dear ang tinanggap na sagot ng mga nagrereklamo. Isini-share niya raw ito sa kanyang mga tao.

Hindi rito natatapos ang sumbong na ito, ipapaabot ito ng BITAG sa tanggapan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade. Abangan n’yo ito. Para sa mga hindi pa nakakapanood, bisitahin ang aming YouTube page – Bitag Official at kilalanin si Kotong Queen!

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with