NAIA, ‘swing’ shipments balik ulit
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2018 - 12:00am

LAST time inaksyunan ni BOC Commissioner Sid Lapeña ang puslitan blues ng mga kontrabando sa mga customs arrival area terminals ng NAIA matapos mabulgar sa dyaryo ang ‘oplan swing’ dito.

Anong nangyari?

Sagot - wala!

Bakit kaya?

Sagot - may malaking perang pinaghahatian ang mga kamote sa maipupuslit na kontrabando palabas ng NAIA. Kaya ang mga inutusan magmonitor nagtakip ng mga mata. 

Ibinulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, two days ago daming NAIA employees including customs people ang sumalubong sa mga shipments na sakay ng eroplanong PAL flight PR - 383 galing Guangzhou, China, delay ito nang dumating sa NAIA Terminal 2, kaya minadali ang pagsalida ng mga epektos palabas ng airport.

Bulto-bultong bagahe ang inilagay sa mga jumbo cart ng kunin ito ng mga taga-salida sa arrival conveyor at mabilisan ang pagtutulak sa mga jumbo cart palabas ng airport ng walang ibinayad na katiting na buwis.

Bakit?

Naka-tiembre ang ‘swing’?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang nakakaalam kung ano ang ‘laman’ ng mga bulto-bultong bagahe na ipinuslit palabas ng airport from China dahil escorted ito ng isang alyas ‘Pulpol arya,’ diumano’y customs employee kasama ang kanyang mga bodyguard na foolish cops kaya walang makaharang dito.

‘Sino ang sisita sa mga epektos na escorted nina alyas ‘Pulpol arya’ at bodyguards niyang foolish cops eh, naka-tiembre ito sa mga dadaanang mga taga-sita.’ sabi ng kuwagong kinakatog.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lamang ang mga epektos ni alyas Pulpol arya ang naipuslit ng mga oras na iyon marami ang sumabay at nagsunuran dito.

Sabi nga, mga nagmamadali. Hehehe!

Siguro para makita ni BoC Commissioner Sid Lapeña, ang pangyayari last Wednesday morning sa ‘swingan blues’ dapat ipakuha niya ang kopya ng CCTV sa NAIA Terminal 2 that day and time sa customs arrival area at panoorin niya ang kaganapan sa nangyayaring umano’y smuggling operations dito? 

Sumbong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang mga sumasalubong at umaalalay sa mga shipments na ipinupuslit palabas ng NAIA T2 kapag dumarating ang flight from Guangzhou, China.

Ika nga, madalas ito!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iba’t-ibang mukha ng mga pasahero ang ginagamit bilang courier ng mga epektos na ipinupuslit kada dumarating ito sa T2.

Nanguna si alyas Pulpol, porke kabaro niya ang mga customs officials sa NAIA.

Ano ba ito?

Nagkakagulo ang mga umaalalay kapag dumarating ang eroplanong flight PR 383 from Guangzhou sa hindi malamang dahilan. 

Take note, Commissioner Lapeña, Your Honor!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mala­king pera ang pinaghahatian ng mga patong sa shipments from China kapag nakalabas ng terminal ang mga epektos.

Ika nga, hatian dito, hatian doon!

‘May halo kayang droga ang mga epektos na ipinupuslit sa dami ng mga umaalalay?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ano kaya ang masasabi ni Lapeña rito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tuwing alas otso ng umaga ang arrival ng flight from Guangzhou, China, pero ang mga sumasalubong sa mga shipments sangkaterba.

Bakit kaya?

Abangan.

* * *

NAIA - CIIS kotong haosiao kalat sa mga bodega

NAG-IIYAKAN ang mga importers at mga brokers sa dami ng mga CIIS kotong haosiao na walang ginawa kundi ang bakalan sila kapag naglalabas sila ng mga kargamento sa mga bodega sa NAIA. Take note, BOC Commissioner Sid Lapeña, Your Honor!

Ano ba ito?

Ayon sa sumbong, parang may ipinatagong pera ang mga CIIS kotong haosiao kapag nangingikil ng salapi at grabe as in matindi kung manakot ang mga ito.

Sabi nga, kawawang importers at mga brokers!

Abangan.

ISIDRO LAPEñA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with