^

PSN Opinyon

Hindi masama sa gout ang monggo, okra at sitaw

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

SA artikulong ito, na-interview ko si Doc Ging Zamora-Racaza, isang magaling na rheumatologist sa UP-PGH.

Ang gout ay isang pangkaraniwang sakit. Ang sintomas ng gout ay ang matinding pamamaga at pananakit ng mga kasu-kasuan ng mga daliri ng paa, bukung-bukong (ankle) at tuhod.

Para malaman kung gouty arthritis ang sakit, kaila­ngang suriin ang uric acid sa isang blood test. Kapag mataas ang iyong uric acid sa dugo, puwede itong magbuo at pumunta sa iyong kasu-kasuan (joints). Sobrang sakit ang pakiramdam sa gout.

Heto ang payo:

1. Kapag mainit ang panahon o dehydrated ang kata­wan, mas nagbubuo ang uric acid sa joints na suma­sakit sa gout.

2. May tulong ang pag-inom ng 8-10 basong tubig sa gout. Ito ay dahil mas naaalis ang uric acid crystals sa katawan.

3. Ang alak, karne at lamanloob ang nagpapalala ng gout. Masama rin sa gout ang matatamis at maaalat na pagkain.

4. Mali ang paniniwala na masama sa gout ang mga gulay tulad ng monggo, okra, sitaw at kamatis. Ang mga gulay ay gawa sa vegetable protein na mabuti sa katawan. Mas madaling maalis ang vegetable protein sa katawan kumpara sa karne.

5. Ang bawal sa gout ay ang animal protein tulad ng karne at lamanloob.

Ano ang gamutan?

1. Kapag inatake na ng gout, hindi na sapat ang pagdidiyeta sa pagkain lamang. Kailangan ng maintenance na gamot para bumaba ang iyong uric acid levels sa dugo. Nagrereseta ang doktor ng Allopurinol o Febuxostat para sa gout.

2. Sa oras ng pagsumpong ng gout, nagbibigay kami ng Colchicine tablets, 4 na beses sa maghapon. Puwedeng uminom ng Mefenamic Acid din para sa kirot.

Magpa-check-up sa inyong doktor.

vuukle comment

GOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with