^

PSN Opinyon

Political dynasties lalala sa pederal

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PINAKA-MATINDING argumento kontra pederalismo ang paghahari ng political dynasties. Kung tutuusin nga pinananatili ang dynasties sa panukalang konstitusyon ng gobyernong pederal. Lalong makapag-aabuso at makapag-nanakaw ang dynasties sa gan’ung sistema.

Bahagya lang ang pagbawal sa political dynasties. Sakop lang ang magkakamag-anak hanggang second degree sa dugo o dugtong, lehitimo o hindi, buo o kala­hating dugo. Ibig sabihin, asawa, anak, kapatid, apo, lolo’t lola, biyenan, manugang, bayaw, hipag, kinakasama, at ampon. Bawal sila kumandidato nang sabay o magkasunod sa parehong posisyon. Pero maaring isa sa pambansa at isa sa lokal.

Hindi pa rin maipapatas ang pagkakataong mapuwesto. Masesentro pa rin sa iilang pamilya ang poder. Halimbawa: Tatay tatakbong kongresista sa distrito ng Kami-Kami; Anak para gobernador ng probinsiya ng Pa Rin; at mga paboritong pinsan para mga mayor ng capital city ng Aangal at kapanganakang bayan ng Ka Ba. Sa pamamagitan ng baril, pera, at maton, mananalo sila at maghahari sa hurisdiksiyon ng Kami-Kami, Pa Rin, Aangal, Ka Ba. Maari silang mahalal nang tig-dalawang termino, tapos magri-rigodon lang sila.

Simula agad umano ang pagbawal sa dynasties. Pero depende ‘yan sa interpretasyon. Maghahalalang pambansa at lokal para magbago sa pederal sa Mayo 2022. Maaring ituring ‘yon na bagong panimula. Lahat ng mag­­kaka-dynasty ay maaring kumandidato. Tigalawang termi­nong apat na taon sila. Saka pa lang papasok ang pagbawal sa dynasties,

Kasalukuyang Kongresong hawak ng dynasties ang mag-aapruba ng panukalang konstitusyon. Pangangarap nang gising, isiping hindi nila buburahin ang probis­yon kontra dynasties.

Tuloy ang ligaya nila -- sa pera nating mamamayan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

vuukle comment

POLITICAL DYNASTIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with