^

PSN Opinyon

Igalang, mga doctor sa lahat ng pagamutan!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ANG mga doktor ay hindi perpektong nilalang. Katulad natin, marami rin silang pagkukulang at pagkakamali.

Sa mga pampubliko o pribadong pagamutan, marami kaming natatanggap na mga reklamong kapabayaan at pagkukulang sa pagpapahalaga sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang lunas. Napapagod din ang mga doctor at nurses, dahil hindi sila mga makina. Hindi ko layunin na sila’y ipagtanggol, ako’y magsasabi lamang ng hubo’t hubad na katotohanan.

Ang mga doktor ay 10 taon nag-aral ng medisina. Ang iba sa kanila, 5 taon ang bubunuin pa para maging­ dalubhasa sa kanilang espesyalidad. Tulad ng mga abogado, inhinyero, kailangang pumasa sa bar o board exam. Mayroong sinusunod na ethics and standards ang mga propesyunal na ito na dapat maintindihan ninuman.

Kailangan itong maunawaan ng mga kulang sa ka­alaman o mga nagsisinu-sino sa ating lipunan. Aminin na natin, ang ilan sa kanila, nababalahura, minamaliit at namumura ng mga abusadong personahe o VIP sa mismong kanilang pagamutan.

Sa BITAG Action Center, marami ang nakakarating na reklamong kapabayaan laban sa mga doctor, nurses at iba pang kawani ng mga pampubliko at pribadong ospital.

Mga pasyenteng naghihingalo na, namimilipit at na­ngangailangan ng agarang lunas ay dinadaan-daanan lang. O di naman kaya ay pinagpapasa-pasahan o tina­­taboy papuntang ibang ospital. Kung ganitong uri ng mga reklamo at nakagisnan na ang kapabayaang ito sa nasa­bing pagamutan, hudyat na ito na kami sa BITAG ay agad ki-Kilos Pronto!

Subalit, kalkulado ang aming gagawing pagsusuri, pagmamatyag at paniniktik. Gamit ang mga malikhaing estilo para mailantad ang mga ganitong klaseng kapabayaan para sa kapakanan ng mga pasyente at ng publiko. Ang bawat ospital, pribado man o pampubliko ay may mga pamantayan at patakarang sinusunod. Hindi ito basta nilalabag. Hindi pupuwede rito ang sisinu-sino at basta na lang gagawa ng eksena.

Kami sa media, walang karapatan na basta idokumento ang mga kaganapan o tanawin sa loob ng pampubliko o pribadong pagamutan ng walang pahintulot. Respetuhin natin ang kanilang mga patakaran. May tamang pamamaraan na pagsampa ng anumang reklamo at anumang uri ng kapabayaan sa kinauukulan.

Kung talagang kinakailangang maidokumento, gawin ito ng patago para makuhanan ang aktuwal na eksena, di na kailangang idaan sa gulo, duruhan at murahan habang kumukuha ng video.

Kami sa BITAG, gumigitna, bumabalanse. May tamang pamamaraan at tamang diskarte ng pagdodokumento, di na kinakilangang idaan sa pag-eskandalo.

vuukle comment

BITAG ACTION CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with