^

PSN Opinyon

DOT at DILG, makipag-ugnayan kayo sa DENR!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PARANG nasisisi o sadyang may naninisi kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu. Hinggil ito sa pagbubukas ng Boracay sa Oktubre. May ilan sa media at stakeholders sa nasa­bing isla, hindi raw nakikipag-ugnayan si Cimatu sa Department of Tourism­ (DOT) at Department of Interior and Local Govern­ment (DILG).

Pagpasok pa lang ng 2018, tinawag ng cesspool ni Pres. Rodrigo Duterte ang Boracay. Nagsanib-puwersa ang DENR, DILG at DOT kung paano isasagawa ang rehabilitasyon noong kainitan ng isyung ito. Bawat departamento ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan.

Iba ang disiplina ng isang militar. Accomplishment conscious sa anumang proyektong kinakailangang matapos sa takdang panahon. Totally focused si Cimatu sa ginagampanan ng DENR. Media shy si Cimatu, maituturing na silent worker. Hindi katulad ng ibang Gabinete, mas marami ang ngawa kaysa gawa. ‘Yung iba nga riyan, kauupo pa lang nag-inarte na – nagdrama at may paiyak-iyak pa.

Kung pag-uusapan ang papel ng DILG, malaki rin ang ginagampanan nito. Ayoko nang maging espesipiko dahil nauukol sa lokal na pamahalaan ang nasabing isla, kung rehabilitasyon ang pag-uusapan. Ang DOT naman, kinaka­ilangang may nakakasa nang promotion plan bago pa man magbukas muli ang Boracay. Dapat ngayon pa lang ma­ingay na ang DOT sa kanilang timetable para makapaghanda rin ang mga stakeholders nang makasabay sa takbo kung paano maibalik ang sigla ng turismo sa loob at labas ng bansa.

Ang siste, nag-iintay lang ang DOT at DILG na para bang dapat ang DENR ang makipag-ugnayan sa kanila para ipaalam ang estado ng rehabilitasyon sa Boracay. Mukhang may problema rito. Kung tutuusin, may Cabinet meetings naman sa Palasyo. Hindi ba nag-uusap ang DOT at DILG o baka nag-aantayan o nagpapakiramdaman lang ang mga ito?

Alam kaya ng DOT at DILG ang mga salitang pro-active, active and reactive? Siguro dapat malaman nila ang ibig sabihin nito para sa ganoon ay nagkakaroon sila ng kooperasyon, pakikipag-ugnayan, hindi yung pakiramdaman na nauuwi sa turuan at sisihan. Dapat, ang DOT at DILG ang nakikipag-ugnayan dahil puspusan ang trabaho ng DENR na makamit ang specific target date para sa re-opening.

Wala akong naririnig na balita sa DOT at DILG para sa kaalaman ng publiko. Tama na ang ngawa, drama at iyak. Ang kailangan ay KILOS PRONTO!

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with