^

PSN Opinyon

Death wish

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAHIT gaano mo kinaiinisan ang isang tao, ang paghaha­ngad na siya ay maglaho na sa balat ng lupa ay ang pinaka-walang modong pagpapahayag ng galit. To say the least, it is unchristian­.

Napakarami kong bagay na hindi gusto kay Presidente Duterte ngunit ni minsan, hindi ko hinangad ang kanyang kapahamakan.

Ayaw ko sa extra-judicial killings, ayaw ko sa kanyang pagmumura at yung mga pahayag at galaw niyang may sexual undertones, ngunit bilang isang mamamahayag, hang­gang pagbatikos lang ang ginagawa ko sa pag-asang mabasa niya ang saloobin ng isang mamamahayag at ikonsidera niya ang pagbabago ng kanyang masamang gawi. Maaaring sabihin ninyong “suntok sa buwan” pero bawat tao ay may kalaya­ang maghayag ng damdamin, ikaw man ay media personality o karaniwang tao. Oo, kahit ang pagpapahayag ng “death wish” ay malaya nating gawin pero ito’y masamang repleksyon ng ating kultura. Ang sinabi ni Communist Party leader Jose Ma. Sison na ang Pangulo ay nasa “coma” ay karapatan niyang sabihin kahit kasinungalingan pero ipinakikita nito ang pagkaaba ng kanyang pagkatao.

Nakalulungkot na maraming netizens ang sumakay sa isyu kung magbabasa tayo ng mga komento sa social media. May mga nagsabi pa na “sana hindi coma kundi period.”

Sana naman, ipakita nating mga Pilipino na tayo ay mga taong may mataas na antas ng kultura at hindi muk­hang isinilang sa mabahong imburnal.

Kung ikaw ay namumuno sa isang malaking organi­sasyon gaya ng CPP gaya ni Sison na nagtapos pa sa Uni­versity of the Philippines, dapat ipakita na siya ay isang edukadong tao.

Bilang mga Kristiyano, higit na tumpak at wasto ng ipanalangin nating matuwid ang pamamahala sa bansa ng Pangulo.

vuukle comment

DUTERTE

EXTRA-JUDICIAL KILLINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with