^

PSN Opinyon

Editoryal - Worst airport

Pilipino Star Ngayon
Editoryal - Worst airport

TAUN-TAON, isang travel website ang nagsasagawa ng pagboto para sa mga da best airport sa mundo. At tiyak, dahil sa nangyaring pagka-stranded ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), tiyak iboboto na naman ito na pinaka-worst airport. Nagsimula ang bangungot ng mga pasahero sa NAIA nang magkaproblema ang paglanding ng Xiamen Airlines noong Biyernes ng gabi. Nahirapang bumaba ang eroplano dahil zero visibility kaya sumadsad ito sa malambot na bahagi ng airport. Natanggal ang gulong at ang isang makina ng eroplano. Wala namang namatay at nasugatan sa mga pasahero mula sa China pero marami sa kanila ang na-trauma dahil sa hard landing.

Pero kung na-trauma ang mga pasahero ng Xiamen, halos ganito rin ang naranasan ng may 13,000 pasahero na na-stranded sa NAIA. Umabot sa 260 flights ang nakansela dahil walang makababa o makaalis na eroplano sa NAIA dahil sa nakahambalang na Xiamen airlines.

Ang mga eroplanong lalanding ay inabisuhan na mag-divert sa Clark International Airport o sa Mactan, Cebu. Ang malalaking airline ay napilitang bumaba sa Bangkok, Vietnam at Hong Kong. Ang mga paalis na OFWs ay nag-worry sapagkat maaari umano silang masibak sa trabaho dahil hindi nakarating sa takdang araw.

Nagrereklamo naman ang mga na-stranded sapagkat hindi sila pinakakain ng airline. Hindi rin sila mabigyan ng tamang assistance kung ano ang mga gagawin. Wala umanong nakikipag-coordinate sa kanila.

Maraming kumukuwestiyon kung bakit napakabagal ng pag-aalis sa sumadsad na Xiamen Airlines na inabot ng dalawang araw bago naalis doon. Nagbabalak naman ng imbestigasyon ang Senado kung bakit napakabagal ng NAIA authorities sa pag-aalis ng sagabal at naabala ang maraming pasahero.

Naglabasan ang maraming panukala at isa rito ay ang construction ng isa pang airport sa labas ng Metro Manila para mayroong lalandingan ang mga eroplano sa panahon na magkaaberya ang NAIA. Dapat daw isagawa ito o iprayoridad ng pamahalaan.

Ito ang nararapat at dapat noon pa ginawa. Ngayong marami ang stranded dahil sa kabagalan ng NAIA authorites, tiyak iboboto naman itong pinaka-worst airport. Ano pa nga ba?

vuukle comment

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with