^

PSN Opinyon

Sa salita pa lang ni Du30, masusuko tayo sa China

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA salita lang ni Pres. Rody Duterte, maaaring maisuko sa China ang teritoryo at karapatan ng Pilipinas. Kaya mag-ingat dapat siya sa pagsabi na isasantabi niya ang pagkapanalo ng Pilipinas sa UN arbitral ruling. Maaari niyang maisubo ang bansa sa masamang kasunduan.

 Babala ‘yan ni acting Chief Justice Antonio Carpio sa gobyerno. Tinatalakay niya ang kaso ng Pilipinas laban sa pag-agaw ng China sa Scarborough Shoal at pitong bahura na kinongkreto bilang mga islang-kuta. Pinasya ng UN arbitral court na linabag ng China ang karapatan ng Pilipinas sa pangingisda sa Scarborough, at hurisdiksiyon natin sa pitong bahura sa loob ng ating 200-mil­yang exclusive economic zone. Pero nagpapahayag si Duterte na hindi igigiit ang tagumpay ng Pilipinas.

Bilang Presidente, ani Carpio, kinikilala ng batas pandaigdig na kinatawan si Duterte ng bansa. Kaya ang mga pahayag niya tungkol sa mga gusot ay paninindigan na rin ng bansa.

‘Yan ang doktrina ng unilateral declaration, paliwanag ni Carpio. Anuman ang sabihin ni Duterte tungkol sa gusot sa West Philippine Sea na makakapabor sa interes ng China ay sasang-ayunan ng Beijing. Kung ganun, maaring igiit ng huli na nagkasundo na ang Pilipinas at China, kaya dapat itong tanggapin ng mga ibang bansa.

Ayaw tanggapin ng China ang tagumpay ng Pilipinas sa UN arbitration. Ni hindi nga nito kinikilala ang korte na tagahusga sa gusot ng mga bansa. Binabalewala ng China ang pasya na dapat makapangisda ang mga Pilipino sa Scarborough, na 120 milya lang mula Luzon pero 700 milya mula China. Tinatalikuran ang pasya na mali ang pag-agaw ng pitong bahura sa loob ng 200-milyang exclusive economic zone ng Pilipinas.

Kung pumayag si Duterte sa ganun, tatanawin ‘yon na pagsuko. Talo agad ang Pilipinas, sa salita lang niya. Tuluyan nang aangkinin ng China ang buong South China Sea, kasama ang karagatan ng Pilipinas.

vuukle comment

RODY DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with