^

PSN Opinyon

Nag-iba ng estilo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

DAHIL sa higpit na kampanya sa ilegal na droga ng Phi­lip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI), nag-iba ng estilo ang drug syndicates. Ipinaloob nila ang shabu sa magnetic scrap lifter at nailabas sa Bureau of Customs. Kaya lahat ng agents ng PDEA, NBI at PNP ay walang tigil sa paghahanap sa naipuslit na toneladang shabu.

Nakausap ko si Manila Police District director C/Supt. Rolando Anduyan at sinabi nitong inatasan na niya ang mga station chief, PCP commanders at operation unit na magsagawa nang malawakang pagmamanman upang masamsam ang droga. Maagap si Anduyan kapag droga na ang pinag-uusapan. Hindi lamang droga ang problema sa Metro Manila, dahil maging ang mga kriminal na riding in tandem ay naglilipana na rin. Iba’t ibang uri na rin ang drogang kumakalat ngayon katulad ng party drugs na tila candy ang hugis at iba’t iba ang kulay. Ang pagkalat ng marijuana na ang binibentahan ay mga estudyante sa high school at kolehiyo. Kaya nagpakalat si Anduyan ng mga pulis sa mga bus terminal sa Dimasalang, Bustillos, at Sta Cruz para manmanan ang mga pasaherong galing sa norte na nagdadala ng marijuana.

* * *

Nanindigan si National Capital Region Police Office chief Dir. Guillermo Eleazar na nasa tamang proseso ang pagsalakay at paghalughog sa Times Bar sa Makati City at pag-aresto sa tatlong abogado. Ayon kay Eleazar “forceful” ang panghihimasok ng tatlong abogado sa Times Bar at pilit pinakikialaman ang pag-implement ng search warrant ng husgado na isinagawa ng  Makati Police.

Maliwanag na wala sa lugar ang tatlong abogado na inaresto ng mga pulis dahil: (1) Ayaw magpakilala ang mga ito. Basta lawyers daw sila; (2) Walang ipinakitang ID na katunayang mga abogado sila; (3) Hindi nila alam kung sino ang nire-represent at bakit nanghihimasok sila sa crime scene nang walang paalam sa mga pulis; (4) Wala silang karapatang pumasok sa premises dahil hindi nila na-establish ang mga personalidad nila at kung sino ang kliyente nila. Kaya dapat silang arestuhin; (5) Ang search warrant ay direktiba at order ng korte para gampanan ng pulis. Samakatwid, ang pag-harass ng lawyers sa mga pulis na huwag umakyat sa 3rd floor ay violation ng search warrant at pambabastos sa husgado.

Bilin ni Eleazar sa mga pulis na laging gawain ang trabaho alinsunod sa proper police procedures. Napatunayan na rin ni Eleazar na paparusahan niya ang mga pulis na abusado at tiwali. Pero sa ganitong pangyayari, ang mga abogado ang abusado at tiwali. Kaya paninindigan ni Eleazar ang mga tauhan niya. Maliwanag na walang sasantuhin si Eleazar maging mga pulis na sangkot sa droga.

vuukle comment

PHI­LIP­PINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with