^

PSN Opinyon

Manyak si Dok (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

SA pagkabigla sa ginawa ni Doc Glen, tumanggi na si May na ituloy ang pagsali sa research program. Binigyan siya ng doctor ng ?300,000 sabay utos na huwag sasabihin sa iba ang nangyari.

Pag-uwi ng bahay, hindi agad nagsumbong si May. Pero makaraan ang isang linggo, nagtangka siyang mag­laslas ng pulso at napilitang sabihin sa kanyang ina at kapatid na babae ang nangyari. Ipinasuri siya sa psychologist at napag-alamang nagka-trauma at naapektuhan ang damdamin ni May. Sinisisi ng dalaga ang sarili kung bakit hinayaan niya na molestiyahin siya ni Doc Glen. Kinasuhan nila ng sexual harassment sa Sandiganbayan si Doc Glen.

 Sa paglilitis, tumestigo si May at apat pang empleyado sa mismong opisina ng doktor tungkol sa masaklap nilang sinapit sa kamay ni Doc Glen. Pero itinanggi ito ni Doc Glen at sinabi na political harassment lang daw ang lahat. Hindi raw siya mananagot sa paglabag sa RA 7877.

Ngunit ayon sa Sandiganbayan, nilabag ni Doc Glen ang RA 7877 at hinatulan siya ng anim na taon pagkakulong, multa na ?20,000.00 at dagdag na araw sa kulungan kung hindi siya ma-kabayad. Inutusan din siya na bayaran si May ng ?300,000 bilang moral damages at ?200,000 exemplary damages.

At ayon sa Supreme Court, nagkasala talaga si Doc Glen sa ilalim ng Section 3 – RA 7877 kung saan sinasaad na kahit sinumang amo, empleyado, tagapamahala, titser, guro, taga-ensayo, o kahit sinong nasa katungkulan at may impluwensiya sa ibang tao sa kapaligiran ng trabaho, paaralan o pinag-eensayuhan na manghihingi, makikiusap o mag-uutos ng kahit anong sekswal na pabor sa iba, kahit pa tinanggap ito o hindi ay malinaw na nagkasala ng sexual harassment o mahalay na pangliligalig.

Sa kaso ni Doc Glen, isa siyang City Health officer at hiningian siya ng tulong ni May para makakuha ng trabaho bilang nurse. Pero kapalit nito ay nakuha niyang hipuan at lamasin ang hita, binti at pribadong parte ng katawan ng dalaga, hinalikan at niyakap pa niya si May sa pamamagitan ng palusot na kasama ito sa kanyang research program para matanggap sa trabaho.

Ang alibi ni Doc Glen na wala siya sa lugar na pinangyarihan ng krimen ay hindi rin kapani-paniwala base na sa pag-aaral ng Sandiganbayan sa mga pangyayari.  Mas nasa posisyon ito para suriin ang kilos at kredibilidad ng mga testigo pati ng mga ebidensiyang inilatag ng mga partido. Tama lang na hatulan si Doc Glen ng anim na taon na pagkakulong dahil sa krimen na sexual harassment at pagmultahin bukod pa sa pagbayarin ng danyos (Jacutin vs.  People, G.R. 140604, March 6, 2002).

vuukle comment

DOC GLEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with