^

PSN Opinyon

Federalismo: Asa pa kayo?

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

TUWING sasapit ang election, ang mga pulitikong uhaw sa kapangyarihan ay may pangalawa nang planong namumuo sa kanilang isipan. Iniisip agad kung paano nila palalawakin ang kanilang termino.  Tulad ni Pres. Rodrigo Duterte at mga kaalyado sa pulitika na pinangungunahan ng pinatalsik na House Speaker Pantaleon Alvarez. Pansin ko lang mukhang out of the picture na si Alvarez ngayon.  Lalo na ngayong nakipag-alyansa na si Digong sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte.  Kita n’yo na mas matimbang pa rin ang kadugo kaysa kapartido.

Ang 1987 Constitution na binuo nung panahon ni Cory Aquino ay pinaka-magandang Constitution sa kasaysayan ayon kay dating Supreme Court Chief Justice Hilario Davide.  Ngayon, pinagtutulungang buwagin upang gawing Federal Form of Government.  Ang sa akin lang naman, masama pa ba ang anim na taong pamumuno ng isang mataas na lider ng bansa?  Kahit anong pilit man nilang itanggi ang suma total diyan sa federal na ‘yan ay ang palawigin ang kanilang termino sa pulitika.

Kung maaalala n’yo si dating Pres. diktador Ferdinand Marcos.  Matapos ang pangalawang termino nagdeklara ng martial law, kung saan ang mga political opposition leaders ay kanyang ipinakulong para hindi kontrahin ang kanyang gobyerno. Ngayon, mukhang gustong sundan ni President Digong ang yapak ng kanyang idolong si FM. Kahit ilang ulit man niyang banggitin na gusto na raw kuno niyang mag-resign pero ayaw niya si VP Leni Robredo na pumalit sa kanya.  Puwede ba yun?  Di binali na niya ang Constitution.  Maliwanag pa sa sikat ng araw na kung sakali man na bumaba o may mangyari sa President automatic na VP ang aakyat sa puwesto.

Aminado naman ang mga nagsusulong sa federalismo na mahihirapan silang ipaintindi ito sa ating mga kababayan, andiyan pa ang Senado na kontra rito, kaya tigilan na ang kahibangan n’yo.

vuukle comment

FEDERALISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with