^

PSN Opinyon

Manyak si Dok (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG amo, kapwa empleyado, tagapamahala, tagapanga­siwa, guro, taga-sanay o sinumang may impluwensiya sa kapaligiran ng pinapasukan o pinagtatrabahuhan o paaralan na manghihingi, makikiusap, mag-uutos sa iba na bigyan siya ng sekswal na pabor ay maaring makulong ng anim na taon ayon sa Republic Act 7877 (Anti-Sexual Harassment Act of 1995). Ang kasong ito ay isang halimbawa kung paano ginagawa ang sexual harassment.

Ang kasong ito ay nangyari kay May. Isang nursing graduate na naghahanap ng trabaho. Para tulungan ang anak, personal siyang sinamahan ng tatay na si Rod sa kababata at kaibigan nitong si Doc Glen na isang City Health Officer sa kanilang lugar. Dahil walang bakante sa health office, inalok na lang ni Doc Glen sa dalaga ang isang trabaho sa family planning project ng siyudad at pinababalik siya sa ibang araw.

Nang bumalik si May sa opisina ni Doc Glen, tinanong siya kung birhen pa at kung interesado siya na maging kasapi ng isang research program. Pagkatapos talakayin ang iba’t ibang aspeto ng pagkabirhen ng isang babae, tinanong ni Doc Glen kung ikukuwento ba ni May sa kanyang pamilya sakaling may kaibigang lalaki na nanghipo sa kanya. Pinabalik pa ulit ng doktor ang dalaga pagkatapos ng tanghalian, at sa kanilang pagkikitang muli tinanong ni May si Doc Glen kung yayakapin ba siya at hihipuan sa research program. Sagot ni Doc Glen, hindi raw at nagbibiro lamang siya.

Pumayag si May at nagkita sila sa kotse ng doktor papunta sa lugar na kanilang pinag-usapan. Unang hinawakan ni Doc Glen ang kanyang pulso at sinabing huwag matakot ang dalaga. Maraming tinanong ang doktor tungkol sa mga parte ng kanyang katawan pagkatapos ay inutusan siyang itaas ang mga paa at ibaba ang pantalon para makita ang ugat niya sa binti. Hindi pa nakuntento, ibinaba pa ng doctor ang pantalon hanggang sa kanyang tuhod sabay hinawakan ang hita ng dalaga hanggang sa buhok ng kanyang ari. Sa takot ay agad na itinaas ni May ang pantalon. Sunod naman na hinawakan ni Doc Glen ay ang kanyang tiyan pagkatapos ang noo sabay pasok ng kamay sa kanyang itinaas na blusa tuloy hipo sa kanyang dibdib at binubulungan siya.

(Itutuloy)

vuukle comment

ATTY. JOSE C. SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with