^

PSN Opinyon

For the “nth” time

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MADALAS nang maging bukambibig ni Presidente Duterte ang “I will resign if…”

Sinabi na niya ito nang ilang ulit na sa iba’t ibang pagkakataon at iba’t ibang dahilan.

Ngayon, muli itong sinambit ng Pangulo dahil daw sa kanyang pagkabigong sugpuin ang corruption sa pamahalaan. Sa mga nagdaang panahon, sinabi na rin ito ng Pangulo kung mabibigo siyang sugpuin ang problema ng droga sa loob ng kanyang termino.

 Nang usisain ng usiserong media ang Pangulo kung totoong magbibitiw siya, nilinaw niya na gagawin niya ito kung ang papalit sa kanya sa puwesto ay sino man kina Ferdinand “Bongbong” Marcos o Senador Chiz Escudero. May kalabuan ang sagot niya dahil paano naman hahalili sa kanya si Escudero na walang pagbabatayang legal para maupo bilang Pangulo?

Kaya ang tugon ni Escudero, natutuwa siya sa  tiwala sa kanya ng Pangulo pero walang legal na basehan na siya ang pumalit sakaling magbitiw nga ang Pangulo. Kay Marcos, maaaring magkaroon ng legal na basehan­ kung ang dating Sernador ay mananalo sa kanyang protesta laban kay Vice President Leni Robredo na inaakusahan niyang nandaya noong nakalipas na eleksyon.

At yun na nga ang paglilinaw ng spokesman ng Pa­ngulo na si Harry Roque – na maaaring bumaba sa puwesto ang Pangulo kung si Marcos ang magwawagi sa electoral protest at maging Bise Presidente. Ayaw daw ni Duterte kay Robredo na sa pananaw niya ay kulang sa kuwalipikasyon.

Madalas magsalita ang Pangulo ng mga sensitibong bagay dala ng kanyang emosyon. Pero dapat alalahanin na ang sino mang maging Pangulo ng bansa ay hindi na dapat naglalantad ng kanyang personal na pananaw sa publiko dahil ang mga salitang sinasabi ng isang leader ay nagiging matibay at bahagi ng policy ng pamahalaan.

vuukle comment

CORRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with