^

PSN Opinyon

Malikhaing pagnanakaw ng GMA-7 24-oras!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMING eksklusibong istorya ang BITAG Multimedia­ Network. Ito’y dahil sa aming Hybrid Integrated Action Center sa aming headquarters sa Timog, Quezon City. Hindi kami hayok sa istorya. Namamahagi kami ng aming mga istorya sa ibang news media sa pamamagitan ng mga katuwang namin na alagad ng batas.

Mapalad kami sa BITAG na pinagkakatiwalaan ng mga nangangailangan at humihingi ng hustisya na lumalapit agad sa aming tanggapan. Mabilis rumesponde ang aming­ action team dahil katuwang namin ang mga alagad ng batas tulad ng National Capital Region Police Office - Regional Special Operations Group (NCRPO-RSOU).

Hinggil ito sa ipinalabas ng GMA-7 News na exclusive surveillance at operation videos ng BITAG. Ang videong ito ay ipinahiram namin sa mga operatiba ng NCRPO-RSOU. Tahasan kong sasabihin sa kolum kong ‘to, malikhain ang estilong pagnanakaw ng GMA-7 24-Oras sa pamamagitan ng reporter na si Emil Sumangil, may halong “palusot na intriga”. Sinong niloloko niyo?!

Puwede naman naming lagyan ng “exclusive” ang mga vi­deo na ipinahiram namin sa mga operatiba ng NCRPO-RSOU. Hindi sangkaterbang mga bobo ang mga nasa NCRPO-RSOU dahil nasampulan na namin dito ang ABS-CBN. Hindi nagkulang ang NCRPO-RSOU sa pamamagitan ni Gen. Lorenzo Eleazar sa pagbibigay ng babala na kaila­ngan lang ay pagbi­bigay ng credit na ang video ay galing sa BITAG.

Umaray ang ABS-CBN News nitong nakaraang linggo sa eksklusibong storya ng BITAG na “sextortion”. Nitong Mi­yerkules ng gabi, kitang-kita sa video ‘yung aming female staff na naka-jacket na prominenteng nakatatak ang BITAG, tinakpan ninyo. Talagang malikhain kayo, turuan ninyo ang inyong mga reporter na maging professional. Ang video na­min na ginamit niyo sa 24-Oras, nilagyan niyo ng “courtesy of NCRPO-RSOU”. Sinong ginagago niyo?

Putres naman! Exclusive story namin yan. Linawin natin, exclusive story’yan ng BITAG na ipinahiram namin ang video sa NCRPO-SROU para ipahagi sa mga news media. Ang ka­ila­ngan lang magsabi kayo ng totoo dahil ang sinungaling ay nagna­nakaw. Palalampasin namin kayo dahil lahat tayo ay nagkaka­mali at may pagkakataong magbago. ‘Wag niyo nang uulitin.

You guys at GMA-7 News 24-Oras, are you getting this message clear?

vuukle comment

BITAG MULTIMEDIA­ NETWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with