^

PSN Opinyon

Mas magagalit tayo sa China kung...

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

WALO sa bawat 10 nating mga Pilipino ang nagsasabing igiit ni President Rody Duterte ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea. Pinaka-tiwala tayo sa Amerika at Japan sa mga dayuhang bansa, at pinaka-duda sa China. Resulta ‘yan ng mga paulit-ulit na surveys.

Hindi isyu ng sobereniya kundi kabuhayan ang ramdam ng mga Pilipino sa pang-aagaw ng China sa walong bahura natin sa loob ng 200-milyang exclusive economic zone. Hindi nakakain ang sobereniya, ika nga. Pero alam natin na, sa pag-angkin ng China sa ating karagatan, mawawalan tayo ng pangisdaan. Nangyayari na nga ‘yan sa Scarborough Shoal, 120 milya lang mula Zambales pero 700 milya mula Hainan, China. Binabantayan ng Chinese Navy at Coast Guard ang loob ng malawak na shoal, kung saan mas maraming isda sa mababaw na tubig. Mga ma­ngingisda lang nila ang pinapapasok. Ang mga Pilipino ay hanggang labas lang -- at kinikikilan pa ng mga armadong Chinese ng magagandang huli. Labag ito sa pasya ng UN arbitral court na dapat papasukin ang mga Pilipino at Vietnamese roon.

Kung galit tayong mga Pilipino ngayon sa China dahil sa pangisdaan, mas lalo tayo mabubuwisit simula 2024. Sa taong ‘yon magsisimulang maubos ang natural gas sa Malampaya field sa Palawan Sea. Kailangan ngayon pa lang ay magtayo na tayo ng mga kapalit na gas platforms. Kasi 40% ng murang kuryente ng Luzon ay galing sa Malampaya. Kung masaid ‘yon nang walang kapalit, magmamahal nang lima hanggang sampung beses ang kuryente. Tataas ang presyo ng bilihin; babagsak ang produksiyon; maraming ma­wawalan ng trabaho.

Maraming gas fields sa Recto Bank, malapit sa Malampaya, sa loob ng ating EEZ. Pero pati ‘yon inagaw ng China. Umuutang tayo sa China para sa imprastruktura, pero wala tayong ipambabayad kung bagsak ang ekonomiya. Iilitin ng China ang mga ipatatayong tollways, pier, at airports. Parang ginawa nila sa Sri Lanka, Djibouti, atbp. Naloko na!

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with