^

PSN Opinyon

Hindi titigil sa pagpatrulya

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI natatakot ang ating air force at navy sa banta ng China kapag nagpapatrulya sila sa karagatan. Kinumpirma ni AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez noong Lunes na nagpapatuloy ang air force at navy sa pagpapatrulya kahit araw-araw silang binabantaan ng China. Tatlong beses sa isang araw ang pa­trulya ng Pilipinas. Hindi naman nagbigay ng komento si Galvez sa umano’y mas seryoso at mapanganib na banta sa atin, kumpara sa banta nila sa US.Siguro naiinsulto ang China na kahit maliit at mahina ang ating militar kumpara sa kanila, patuloy pa rin nating inaangkin ang teritoryong sinasabi nilang kanila.

Hindi rin sinabi ni Galvez kung saan nagpapa­trulya ang ating militar sa karagatan. Marami tayong islang binabantayan sa Spratlys, kung saan may mga islang sakop na rin ng China. At dahil inaangkin nga ng China lahat, kahit may mga sundalo at sibilyan na sa ilang isla, nakukuha nilang magbanta sa mga lumilipad sa lugar. Ang Pag-asa island ay katabi ng ilang isla na hawak na ng China. Kung pinapatrulya­han natin ang lugar ng Pag-asa na hawak natin, bakit kailangang magbanta ng ganyan?

Hindi rin biro ang mga banta ng China, kahit sanay na ang air force at navy natin, o kung sino pa ang bina­bantaan ng China tulad ng Amerika. Baka duma­ting ang panahon ay may isa riyan na hindi na iniisip ang gagawin at magpabagsak na lang ng eroplano o magpalubog ng barko. Hindi ko maisip ang kahihinatnan o sakuna kung sakaling maganap ang hindi akalain. Ayon sa Palasyo, hindi titigil ang pagpapatrulya natin sa karagatan, at handang mamatay ang ating mga piloto para ipagtanggol ang soberenya. Huwag sanang umabot sa ganyan.  

vuukle comment

CARLITO GALVEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with