^

PSN Opinyon

Facebook laban sa HIV-AIDS

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NAKAAALARMA na ang pagdami ng HIV-AIDS sa Pilipinas. Sa katunayan, mahihirapan ang budget ng gobyerno na gamutin ang lahat ng may AIDS. Napakamahal at matagal ang gamutan sa HIV-AIDS.

Narito ang payo ng DOH laban sa HIV-AIDS:

A – Abstinence o huwag makipag-sex.

B – Be faithful sa iyong partner at siguraduhin din na faithful ang iyong partner sa iyo.

C – Careful sa sex. Ang condom ang tanging paraan para makaligtas sa HIV virus kapag nakikipagtalik.

D – Don’t share needles sa mga gumagamit ng droga.

E – Education.

Paano kumakalat ang HIV-AIDS?

1. Napapasa ang HIV virus sa ibang tao sa pamamagitan ng sex, pagsalin ng dugo, pagturok ng droga at panganganak (mula sa nanay ang HIV virus papunta sa sanggol).

2. Karamihan ng kaso ng HIV-AIDS ay nakukuha sa pagtatalik. Mataas ang kaso ng HIV-AIDS sa mga grupo ng female sex workers, OFWs, at mga lalaking nakikipag-sex sa kapwa lalaki.

3. Base sa datos sa Pilipinas, 30% lang ng mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki ang gumagamit ng condom. Sa mga female sex workers ay 60-70% ang gumagamit ng condom. Mababa pa ito sa rekomendasyon ng World Health Organization na 90% ang gagamit ng condom para maiwasan ang HIV-AIDS at STD.

Facebook at HIV-AIDS:

Ayon sa mga pasyenteng may AIDS, marami sa kanila ang nakakilala ng sex partner sa Facebook at ibang internet sites. Pero bakit hindi natin gamitin din ang Facebook laban sa HIV-AIDS?

1. Mag-share ng tamang kaalaman at health tips laban sa HIV-AIDS. I-like at i-share ito.

2. Gumawa ng messages na magbibigay babala sa mga mahilig sa unsafe sex at maraming partners. Gumawa ng sariling kasabihan gaya ng “Kasal muna bago sex”, “Ayoko sa iyo, maraming kang GF.”

3. Gumawa ng pictures/images tungkol sa HIV-AIDS. May nakita akong picture ng condom wrapper na imbes na condom ang laman ay may singsing sa loob.

4. Mahalagang mensahe: Kung may dalawa o maraming sex partners, magpa-test sa HIV. At kung positibo ang isang tao sa HIV virus, kailangan niya sanang ipaalam sa lahat ng dating partners na HIV positive siya. Ito ang tamang paraan para mapigilan ang paglaganap ng HIV-AIDS sa ating bansa.

Mga Facebook friends: Puwede ba kayong tumulong sa ating kampanya? Baka may maisip pa kayong mas magandang paraan. Para sa bayan natin ito.

vuukle comment

HIV-AIDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with