^

PSN Opinyon

Iba ang tono sa kaibigan?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

BINANTAAN umano ng China ang eroplanong militar ng Pilipinas na umalis kundi responsibilidad nila ang anumang kahihinatnan nito. Ito ang narinig ng mga mamama­hayag mula CNN at BBC habang nakasakay sila sa P-8A Poseidon surveillance aircraft ng Amerika na lumi­lipad din sa lugar. Binantaan din sila ng China, pero kapansin-pansin daw ang pagkakaiba ng tono sa dalawang pagbanta. Ang pagbanta sa kanila ay “mas magalang” kumpara sa pagbanta sa eroplano ng Pilipinas. Pati ang pananalita raw ay iba. Pinuna nga ng isang nakasakay na mamamahayag na mas magalang ba raw ang China sa malalakas na bansa, at sinisindak naman ang mga mahihina? 

Walang pahayag mula sa DND tungkol sa insidenteng ito. Hindi rin malinaw kung saan lumilipad ang eroplano ng Pilipinas at hindi binanggit ng P-8A Poseidon dahil wala naman silang pahintulot mula sa Pilipinas. Pero kung ganito nga ang pagbanta sa atin, akala ko ba “kaibigan na kaibigan” na tayo ng China? Ganito ba ang pagturing sa sinasabing kaibigan? Naka-todo ngiti pa rin ba ang ambassador ng China sa mga opisyal natin kung mabanggit ito sa kanya? O ang sagot na teritoryo nila iyan at pwedeng gawin ang pagbanta at pagtaboy kaninuman?

Alam ko na hindi ito bibigyan ng pansin ng Palasyo o DFA. Baka sisihin pa ang US kung bakit sila lumilipad sa rehiyon at alam na mainit na ang China sa kanila. Pero kung totoo nga na iba ang tono ng banta ng China sa eroplano ng Pilipinas, bakit? Sinisindak ba nang husto ng China ang mga eroplano ng Pilipinas, para talagang hindi na lumapit sa mga artipisyal na isla nila? Mas takot ba sa US kaya mas magalang ang tono ng pagtaboy?  

Nagpatuloy ang P-8A Poseidon sa kanyang planadong ruta, at tuwing babantaan ng China ay nanindigan na sila’y nasa international airspace at ligal ang kanilang paglipad. Walang binanggit kung umikot nga ang eroplano ng Pilipinas o nagpatuloy din sa kanyang planadong ruta. Handa bang magpabagsak ng eroplano ang China, kung hindi umikot ang mga binabalaan nila? 

vuukle comment

P-8A POSEIDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with