^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sangkaterbang shabu ang nasa kalye

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - Sangkaterbang shabu ang nasa kalye

TINATAYANG P6.8 bilyong halaga ng shabu ang nakakalat ngayon sa kalye at sa dami nito, sangkaterbang addict ang nagsisilundagan sa tuwa. Patuloy naman sa pagre-repack ang mga “tulak” at nagkukuwenta na ng kanilang kikitain mula rito. Habang nangyayari ito, nag-iisip naman ng ibang paraan ang drug syndicates kung saan ilalagay ang shabu para maipasok sa bansa. Wala naman silang problema sa Bureau of Customs (BOC) sapagkat papayagan itong makapasok.

Ngayong sangkaterba ang shabu sa kalye, dapat magsanib puwersa na ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para marekober kahit nasa sache na ang mga ito. Paigtingin ang paghuli sa mga drug pusher. Talasan ng PNP ang pang-amoy para ma-locate ang big time pushers. Tiyak na pinaghati-hatian na nila ang nasa 1 toneladang shabu na naipasok sa bansa.

Sabi ni PDEA Director Aaron Aquino, may ka­sabwat na mga corrupt na tauhan sa Customs ang drug syndicate kaya naipasok ang shabu. Imposible raw maipasok ang ganun karaming shabu kung walang kakutsaba sa Customs. Tatlo sa magnetic filter ang nadiskubre ng PDEA sa isang warehouse sa Gen. Mariano Alvarez, Cavite. May traces ng shabu ang tatlong containers.

Sabi pa ni Aquino, maaaring hindi nalalaman ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang ginagawa ng ilan niyang tauhan kaya may shabu na nakakapasok sa bansa. Hindi naman nawala ang tiwala ni President Duterte kay Lapeña. Sabagay, ganito rin ang tiwalang pinagkaloob ng Presidente kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon makaraang malusutan ng bilyon pisong shabu noong nakaraang taon.

Nasa kamay na lamang ng PNP at PDEA ang paraan kung paano mahahabol ang sangkaterbang shabu na nasa kalye. Paigtingin ang kampanya sa droga gaya ng sabi ng Presidente. Madaliin ang pagkilos sapagkat bawat minuto ay mahalaga. Ang bawat sache ng shabu ay maraming lilikhaing halimaw at sisiraing buhay. 

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with