^

PSN Opinyon

Pagbubuhat ng bangko ni Sen. Gordon kahapon

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

(In aid of legislation or in aid of re-election?)

TATLONG senador sa senate hearing kahapon partikular si Sen. Richard Gordon, buo na ang kanilang mga pananaw, persepsiyon, impresyon at pagdududa hinggil sa tinatawag nilang maanomalyang kontrata sa pagitan ng DOT-PTV at PTV-BMUI sa programang Kilos Pronto. Hindi ko isasama rito si Sen. Nancy Binay, nakita ko ang kanyang pagiging professional at technical sa estilo ng kanyang mga pagtatanong kahapon sa Blue Ribbon Senate Hearing.

Tahasan kong sasabihin sa kolum na ito, nagbida at nagpasikat lang si Sen. Gordon bilang chairman ng Blue Ribbon Committee kahapon. Halos kinain niya ang buong oras ng senate hearing sa kanyang pagbubuhat ng bangko. Aaminin kong naumay ako sa kanyang kahaba-habang pagbibida. Inantok ako sa pakikinig sa kanyang glory days noong siya`y Tourism Secretary pa, panahon ni kopong-kopong.

Ganoon nga ba talaga `pag tumatanda na? Sinasariwa ang mga bakas ng kahapon? Okay lang sana kung kausap ay mga apo at anak niya. Kaso, mga resource person na hindi interesado sa kanyang pagbibida. `Yung dapat pag-usapan, yung issue kung bakit nagpatawag sila ng hearing. Dumalo ako bilang pagbigay-galang sa senate hearing upang magbi­gay-linaw sa kontrobersiyang pinasabog ng mga dilawang media. Kung tutuusin, simple lang naman ang hinihingi ng COA, for the records – kontrata namin at certificate of performance.

Pinagduduldulan ang isyung conflict of interest na para bang ang kontrata ay galing sa DOT at diretsong ibinigay sa Kilos Pronto. Ang totoo, PTV ang principal namin at sila ang naglagay ng segment at ads placement sa Kilos Pronto. Sana sa susunod, pagbigyan n’yo ang mga resource person na ma­kapagsalita. Kung hindi man tutugma ang kanilang mga paliwanag sa inyong pananaw o kaalaman, bigyan n’yo pa rin ng galang. `Wag n’yong patitigilin hanggat hindi pa natatapos, respeto lang `mga bossing`

Dahil sa huli, hukuman pa rin ang huhusga base sa tibay ng mga dokumentong pinanghahawakan ng mga inaakusahan. Si Trillanes, kinumpronta ko ng diretsahan sa nasabing hearing dahil sa pinagsasabi niya sa GMA 7 News na hindi ko isosoli ang binayad sa amin ng PTV. Aniya, `kaya nga ayaw isoli, ninakaw nga eh!` (putres ka!) Pagpasok ko sa plenary hall, tinititigan ko ng harapan si Trillanes subalit umiiwas. At nang aking kumprontahin sa kanyang mga binitiwang salita sa media, nanghimasok si Sen. Gordon at pinutol ang aking pagtatanong.

Si Sen. Gordon at Sen, Trillanes nga pala, nagkainitan noong nakaraang taon. Napanood sa TV at naka-upload pa rin sa YouTube ang bastusan nila sa blue ribbon committee hearing noon. Rinig na rinig sa mikropono ni Sen. Gordon ang mabilis at malalim na paghinga niya dahil sa sobrang galit na halos atakihin sa puso. Habang si Trillanes, sige ang pagsupalpal at pambubuwisit sa kanya.

Kahapon, hindi ko nagustuhan sa ginawa ni Sen. Gordon, nanawagan siya sa sinumang gustong tumestigo at maging state witness laban sa aming mga Tulfo. Ano kayang pumasok sa utak ni Dick? Maling-mali ang gawaing ito, hindi ito tama.  Nagpasaring pa si Sen. Gordon sa Ombudsman, na kung gusto Raw nilang gamitin ang nilalaman ng `inquiry`, nakahanda raw siyang ibahagi ito.

Sen. Gordon, sa Ombudsman din pala hahantong, bakit pa tayo nag-aksaya ng panahon? Ano ba talaga in aid of legislation or in aid of re-election? Mr. Chairman, I rest my case. Thanks for allowing me to talk to you this ways, unfiltered, so that somebody will bring this piece directly to you.

 

 

vuukle comment

RICHARD GORDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with