^

PSN Opinyon

Lusot na naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAPAPAKAMOT na lang sa ulo. Inabutang wala nang laman ang apat na malalaking magnetic lifters sa isang bodega sa Cavite. Pero naaamoy pa ng mga aso ang shabu na inilagay sa loob. Ang estimasyon ng PDEA, nasa P6.8 bilyong halaga ng shabu ang inilagay sa loob, at maa­aring ibinebenta na sa lansangan. Ganito rin ang estilo ng nagpasok ng P4.3 bilyong halaga ng shabu, na nasabat sa Port of Manila noong nakaraang linggo. Mabuti at nahuli ito ng mga awtoridad. Pero ganun na nga, sa Bureau of Customs na naman nakalusot ang malaking halaga ng shabu.

Nasaan ang galit ni President Duterte sa isang insi­dente na naman ng pagpasok ng shabu sa bansa? Nasaan ang galit niya sa Customs? Kung sinibak niya ang buong board ng Nayong Pilipino dahil sa umano’y masamang kontrata kung saan isang casino ang uupa sa lugar ng 50 taon o higit pa, na hindi pa nga itinatayo, nasaan ang galit niya sa mga opisyal ng Customs at hindi nila mahuli-huli o kaya’y nakakalusot lang sa kanila ang shabu? Kung ibinibenta na nga sa lansangan ang shabu, ang mga maliliit na pushers na naman ang mahuhuli o ma­papatay?     

Siguradong may mga tao sa Customs na tumutulong na makalabas ang mga ganyan kalalaking halaga ng shabu. Kung nahuli ang unang nakapasok, inalam na kung paano nila maipupuslit ang sunod na malaking halaga ng shabu, at mailabas na mula sa mga pinaglagyan. Ina­lam ang sistema at inunahan na ang mga otoridad. Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, “intelligence gap­” sa pagitan ng Customs at PDEA umano ang dahilan kung bakit nakalabas ang mga magnetic lifters. Hindi raw sinabihan ng PDEA ang BOC na may papasok na ganyang kontrabando.

Pero dapat maging masinsinan ang Customs sa pag-inspeksyon ng kargamento. Kaya ganun na lang ang pagkadismaya ng PDEA sa Customs. Nahuhuli nga nila ang mga maliliit pero ang mga malalaking supplier ay nakakapagpasok pa rin ng droga. Hindi ako magtataka kung magkaturuan na naman, lalo na kung magalit na si Duterte na sa ngayon ay wala pa ngang pahayag mula sa Palasyo. Siguro naman ang mga malalaking bagay na maaaring lagyan ng droga ay mas iinspeksyunin na ngayon. 

vuukle comment

MAGNETIC LIFTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with