^

PSN Opinyon

Walang pahinga

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGING abala sa nakalipas na pagbaha sa Metro Manila si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director C/Supt. Guillermo Eleazar. Hindi na natutulog si Eleazar dahil sa pag-iikot sa Metro Manila upang alamin ang ginagawang aksiyon ng pulisya sa mga lugar na binaha. Nangasiwa siya sa relief and rescue operation sa Bgy. Malanday, Marikina. Lubog na ang naturang lugar sa baha at delikado na ang kalagayan ng mga residente roon. Bagama’t Linggo at puwedeng magpahinga ng kaunti, sumabak si Eleazar sa gitna ng masamang panahon at matinding baha sa Marikina. Walang kapagud-pagod.

Nitong huling dalawang linggo, sunud-sunod ang pagpaparangal sa mga pulis na gumawa ng kabayanihan. Kinilala ang kanilang tapang dahil sa pagtaya ng kanilang buhay. Kasama si Eleazar na nag-asiste kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa pagbibigay ng award at medalya sa 20 pulis ng NCRPO kung saan nasugatan sila sa pakikipaglaban sa notorious drug pushers­. Ayon kay Eleazar, “Ang policy namin, punish the bad and reward the good. Pangako ko yan sa mga pulis­ at kababayan, kaya ating gagampanan.” Matinding­ opis­yal si Eleazar. Bukod sa policy making na trabaho nito, nakukuha pa niyang mag-hands on management o micro­ management. “Sa madaling salita, may atensyon si Elea­zar­ sa detalye at hindi basta mapapalusutan. Kung kaya naman, sa katatapos lang na PNP anniversary rites sa Crame, itinanghal ang NCRPO as Best Region in the anti-illegal drug war, at Best Region in internal cleansing. Siyempre ang tatamasa ng tagumpay na ito ay si Eleazar at ang buong NCRPO na nagtaya ng buhay, pagod at dedekasyon sa kanilang propesyon.

Mga “anay” na lamang ang hindi makakasunod sa magandang programa at internal cleansing ni Eleazar. Buong puso namang tinanggap ni Eleazar ang mga award  na ito. Kakaibang tuwa ang naramdaman ni Eleazar dahil ang mga award na ito ay ayon sa dalawang pangunahing adhikain at adbokasiya ni PNP Chief Gen. Alba­yalde. Ani Eleazar, “Ang mga award na ito ay patunay lang na nasa tamang direksyon ang trabaho namin sa NCRPO. Tama ang focus namin sa drugs at mga tiwaling pulis. Lalo naming paiigtingin ang kampanya laban sa droga at scalawags in uniform. Kaya binabalaan ko kayong mga pusher at mga lokong pulis na binabastos ang uniporme namin.” Kung gaano kalambot ang puso ni Eleazar sa mga kawawang kababayan, ganon naman katigas ang kamay niya sa mga nang-aapi at naninira ng buhay.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with