^

PSN Opinyon

Pinatay ang mister

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

MATAPOS ang paunang imbestigasyon ng piskalya, luma­labas na si Ara at mga pinsan ni Rommel na sina Freddie at Greg ang suspek sa kasong parricide. Damay din sa pagpatay kay Rommel ang tauhan sa imprenta na si Brigs. Ayon sa mga ebidensiyang nakalap ng prosekusyon, nag­sabwatan sina Ara, Freddie, Greg at Brigs bago natagpuan ang bangkay ni Rommel.

Base sa tinatakbo ng pangyayari at sa ikinikilos ng mga suspek, nagkutsabahan sila para patayin si Rommel. Binasura ng prosekusyon ang teoriya na nagpakamatay lang ang lalaki dahil taliwas ito sa naging pagsusuri ng medico-legal. Hindi raw puwedeng pinatay ng biktima ang sarili.

Nang umakyat sa Secretary of Justice ay nabaliktad ang resolusyon ng prosekusyon at pinawalang-sala sina Ara, Freddie, Greg at Brigs. Kulang daw ang ebidensiya para mapatunayan na nagkaroon ng kutsabahan ang apat para patayin si Rommel. Kahit sabihin pa na hindi ginawa ni Rommel ang magpatiwakal ay wala namang direktang ebidensiya na magtuturo na sangkot sa krimen ang apat. Kaya binawi ang kaso laban sa kanila.

Pagdating sa Court of Appeals, baliktad na naman ang resulta. Ayon daw sa pagsusuri, malaki ang posibilidad na ginawa nina Ara, Freddie, Greg at Brigs ang krimen ng pag­patay o parricide/murder. Masasabi rin na walang kinikilingan ang tatlong doktor na sumuri sa bangkay nang sabihin nila na imposibleng nagpakamatay si Rommel.

Pero hindi sumang-ayon ang SC sa CA at mas pina­boran ang desisyon ng DOJ. Ayon sa SC, hindi nasuportahan ng ebidensiyang inihain nina Andy at Nat ang teoriyang nagsabwatan ang apat para gawin ang pagpatay. Kulang daw ang ebidensiya para magkaroon ng konklus­yon na sina Ara, Freddie, Greg at Brigs ang may pakana at pumatay kay Rommel. Dapat patunayan ng direktang ebidensiya at hindi basta haka-haka ang pagpatay base sa mga kilos, aksyon at gawa ng apat bago, habang at pagkatapos ng krimen. Kahit sabihin pa na naroon sila nang mangyari ang pagkamatay ay hindi ibig sabihin na may kinalaman sila. Hindi rin napatunayan ng prosekusyon na may galit ang apat sa biktima. Hindi naman natin masasabing forensic expert ang mga doktor na sumuri sa bangkay. Ang sinabi naman ng isang doktor na sanhi ng pagkamatay ni Rommel, ayon sa nakasaad sa death certificate, ay asphyxia o kakulangan ng hangin dahil nga sa pagkakasakal. Pero hindi pa rin pinaliwanag kung nagpakamatay o dahil pinatay siya. Hindi rin diretsahang sinabi na may foul play sa kaso. Ang sinasabi rin na pagsusunog ni Ara ng kumot na may dugo ay hindi sapat na ebidensiya para ituring na kasabwat siya sa planong pagpatay. Puwede rin kasi na isipin ng isang ordinaryong tao na tulad niya na tapos na ang imbestigasyon ng pulis at ng doktor sa pinangya­rihan ng krimen kaya sarado na ang kaso. (Asetre et. al. vs. Court of Appeals, et. al., G.R. 171536, April 7, 2009).

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with