^

PSN Opinyon

EDITORYAl - Driver-only vehicles iba-ban na sa EDSA

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAl - Driver-only vehicles  iba-ban na sa EDSA

SISIMULAN na ang isang linggong dry run na nagbabawal sa mga sasakyang iisa ang laman na dumaan sa EDSA kung rush hour (7:00 a.m. hanggang 10:00 a.m. at 6:00 p.m. hanggang 9:00 p.m. Magsisimula ang dry run sa Miyerkules, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA). Ayon sa MMDA, unawain sana sila ng publiko.

Ginawa na ito noong nakaraang taon pero hindi­ itinuloy dahil marami ang tumutol. Layunin ng MMDA na mabawasan ang mga sasakyan sa EDSA para lumuwag ang trapiko. Ang pagbabawal sa mga sasakyang iisa ang sakay ay kasunod ng balak na ipagbawal ang mga provincial buses sa EDSA. Sa plano, magkakaroon ng terminal ang mga bus na galing­ south sa Pasay at ang mga galing north naman ay sa Valenzuela. Pinag-aaralan pa ng MMDA kung kailan ipatutupad ang pagbabawal sa mga provincial bus na makadaan sa EDSA kung rush hour.

Sabi ng MMDA, tuluy-tuloy na ang pagbabawal sa mga sasakyang iisa ang sakay na dumaan sa EDSA. Wala na raw makapipigil pa sa kanila. Pero meron na kayang naisip na paraan ang MMDA kung saan naman nila padadaanin ang mga sasakyang iisa lang ang sakay. Kung pagbabawalan nila ang mga ito sa EDSA, nararapat na mayroong alterna­tibong kalsada na daraanan.

Hindi magiging makatwiran kung basta-basta pagbabawalan sa EDSA at wala namang nakahandang daraanan ang mga ito. Baka ang mangyari, ililipat lamang ang trapik sa ibang lugar. Siyempre, maghahanap ng alternate route ang mga sasak­yang iisa ang sakay. At dahil wala namang maluwag na madadaanan, magiging dahilan din ng grabeng trapik sa iba pang lugar.

Isang paraan na magagawa ng MMDA para ma­bawasan ang trapik sa EDSA ay ang puspusang pagtatanggal sa mga sagabal sa daan gaya ng mga naka-park na sasakyan, tindahan, basketball court, illegal vendor at iba pang istruktura sa kalsada. Mayroon pang barangay hall na itinatayo sa kalsada. Tanggalin ang mga ito gaya ng direktiba ni President Duterte na alisin ang lahat nang obstruction sa kalye. Paigtingin ang paghuli sa mga bus na kolorum dahil ang mga ito ang nagpapasikip at nagbibigay ng problema sa EDSA.

Huwag padalus-dalos ang MMDA sa balak na ipagbawal ang mga sasakyan na iisa ang sakay sa EDSA. Pag-aralan muna ito nang maraming beses.

vuukle comment

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with